Pagkakaisa ng magkaibang pananampalataya, misyon ng Simbahang Katolika.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 437 total reads

Umaasa ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na magpatuloy ang mga nasimulang gawain at adbokasiya ng Simbahan sa paggunita ng Taon ng mga Kabataan o Year of the Youth.

Ito ang apela ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Clergy sa pagtatapos ng Year of the Youth kasabay ng pagtatapos ng liturhikal na taon.

Ipinagdarasal ng Obispo na patuloy at mapalakas pa ng bawat isa ang mga nasimulan at naimulat na kamalayan ng Simbahan sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa lipunan.

“Doon sa pagtatapos ng Year of the Youth meron kasing napasimulan, kung anuman ang napasimulan na mga gawain at mga activities dito sa Year of the Youth ay maipagpatuloy dahil baka pagdating nitong another year ay maiwanan kaya tuloy lang at kung pwedeng palakasin ay lalong palalakasin…” pahayag ni Bishop Famadico sa panayam sa Radyo Veritas.

Kasunod ng pagtatapos ng Year of the Youth o Taon ng mga Kabataan ay idineklara naman ng CBCP ang taong 2020 bilang Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous People’s bilang patuloy na bahagi sa paghahanda ng Simbahang Katolika sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas sa taong 2021.

Ipinaliwanag ni Bishop Famadico na ang panibagong paksa sa siyam na taong paghahanda para sa ika-limang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa ay nag-aanyaya ng pagkakasundo at pagkakabuklod-buklod sa kabila ng magkakaibang paniniwala.

“Dito sa ating ecumenism na darating, ito’y isang paanyaya na lalong maging bukas sa ibang mga pananampalataya sapagkat tayong lahat naman kahit magkakaiba ang mga pananaw tayong lahat ay nagkakaisa bilang mga kapwa anak ng Diyos…” Dagdag ni Bishop Famadico.

Tema ng Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples ang “Dialogue Towards Harmony” na naglalayong maisulong ng pakikipagkapatiran sa pamamagitan ng pagsusulong ng kultura ng pakikipag-ugnayan tungo sa pangkabuuang kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 15,314 total reads

 15,314 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 101,526 total reads

 101,526 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 138,898 total reads

 138,898 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 170,158 total reads

 170,158 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 242,267 total reads

 242,267 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 32,633 total reads

 32,633 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top