Social Media at ang Iyong Kalusugan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 904 total views

Ang social media na ngayon ang nagko-kontrol ng maraming aspeto ng ating buhay. Sa totoo lang kapanalig, aminin mo na, mas matagal ka pang gumamit ng social media no, kaysa magdasal o magsimba? Mas madalas mo pang makatabi ang smart phone mo, diba, kaysa ang bibliya?

Sa ating mga Filipino, ang social media na nga ang pangunahing hinahanap ng marami sa atin pag-gising pa lamang sa umaga. Ayon nga sa mga datos, umabot na ng 89 million ang social media users ng ating bansa as of January 2021. Nadagdagan pa ng 16 million ang bilang na ito noong 2020 and 2021. Tinatayang mahigit pa sa 80% ng ating populasyon ang nasa social media na. Ibig sabihin, pati bata, naka social media na sa atin.

Kapanalig naisip mo ba na malaki na ang epekto ng kakagamit mo ng social media sa iyong katawan? Na habang busy ka sa kaka doom-scroll sa facebook o instagram, nasisira na pala ang iyong physical health?

Ayon sa isang pag-aaral,  ang sobrang pag-gamit ng social media ay nagdudulot ng chronic inflammation sa ating katawan, na nagbabadya na mga seryosong sakit gaya ng diabetes, cancer, pati ng sakit sa puso. Maliban dito, nakita rin sa mga pag-aaral na sa kagagamit ng social media, maraming tao na ang nakakaranas ng pananakit ng ulo, dibdib, pati likod.

Kaya sana, kapanalig, tumayo-tayo naman muna tayo. Huwag nating hayaang mamamayani ang mga social media apps sa ating buhay. Tingnan natin ang ating paligid. Tingnan natin ang ating mga katabi. Ating namnamin ang ganda ng kalikasan na binigay ng Panginoon. Huwag nating ilimita ang ating perspektibo at pananaw, pati na ang ating buhay base sa isang napakaliit na gadget lamang at mga apps na sadyang dinisenyo para tayo ay laging nakatutok dito.

Sa totoo lamang, kapanalig, hindi lamang ang ating pangagatawan ang unti unting sinisira ng teknolohiya. Parang sinisipsip na rin nito pati ang ating kaluluwa. Ang zombie apocalypse na laging usapin ng mga urban legends, kung susuruin mo, ay tila andito na. Zombie na ang mga tao – bulag na at sunod-sunuran na lamang sa mga lumalabas na feeds sa kanilang mga social media apps.  Kapag sinabi halimbawa ng paborito nilang blogger na magalit sa isang personalidad, magagalit sila dito, kahit walang matinong dahilan.

Kapatid, ninanakaw na ng social  media ang ating kakayahang mag-isip pati na ang kalusugan ng ating nag-iisang katawan. Aminin man natin o hindi, ang sobrang pag-gamit nito ay nagnanakaw na rin ng dignidad ng tao. Gising kapanalig, at suriin na ang ating mga social media habits. Ayon nga sa Mater et Magistra: whatever the progress in technology and economic life, there can be neither justice nor peace in the world, so long as men fail to realize how great is their dignity.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 55,617 total views

 55,617 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 85,839 total views

 85,839 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 112,490 total views

 112,490 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 207,463 total views

 207,463 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 224,929 total views

 224,929 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 55,618 total views

 55,618 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 85,840 total views

 85,840 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 112,491 total views

 112,491 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 207,464 total views

 207,464 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top