Huwag isuko ang tagumpay na natamo sa EDSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 842 total reads

Bunga ng taimtim na pagdarasal at pananalangin ang tagumpay ng EDSA People Power Revolution.

Ito ang mensahe ni Father Jade Licuanan sa bawat kabataan at mamamayan sa paggunita ng ika-36 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Biyernes February 25.

Ayon sa Pari na siya ring Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth,naway patuloy parin ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon ng bawat kabataan dahil ito ang isa sa mga natatanging aral ng makasaysayang ‘Bloodless Revolution’.

“Itoy isang mensahe na dapat nating dalhin magpahanggang ngayon at sa mga susunod na panahon na gagawin natin ito sa diwa ng pagdarasal, ibig sabihin po ating isinusuko, ating ipinagkakatiwala sa diyos at ating ginagampanan ang ating tungkulin sa pamantayan ng Diyos,” ayo sa panayam ng Radio Veritas sa Pari.

Ibinahagi ni Father Licuanan na bagamat patuloy na sinasabi ng marami na hindi dapat nakikisangkot sa pulitika ang simbahan ay naiiba naman ito sa mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco higit na para sa mga Laiko.

Ito ay dahil narin tungkulin ng bawat mamamayan higit na ng mga Laiko na makisangkot sa pulitika dahil ito ay tungkol sa tamang pamamahala ng lipunan.

“Ang sabi nga, ang katoliko nga dapat should not meddle with politics, wag daw tayong makisangkot sa pulitika, sinabi na ni Pope Francis- yun po ay isang kasinungalingan lalo na kung ikaw ay isang laiko ikaw po ay- ang bawat isang laiko na mananampalataya ay may tungkulin po na makisangkot, makiisa sa mga gawain lalot higit na ito ay sumasaklaw sa pamamahala ng bayan,” ayon sa Pari.

Inaasahan ng Pari na ang wastong pakikisangkot ng mga laiko sa pulitika ay isang paraan upang isulong ang pagkakaroon ng maayos, makatarungang pamahalaan at isang ring moral na obligasyon.

“So makisangkot tayo mga katoliko, tungkulin po natin sa Diyos yan, hindi lang tungkulin natin sa bayan it is not just a civic obligation but a moral and even a religous obligation na tayo ay makisangkot, makiisa para magkaroon ng maayos, tapat at makatarungang pamamahala sa ating bayan,

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 125,264 total reads

 125,264 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 156,994 total reads

 156,994 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 258,821 total reads

 258,821 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 299,378 total reads

 299,378 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 314,670 total reads

 314,670 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top