Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Special daily mass para kay dating pangulong Duterte, itinanggi ng Archdiocese of Cagayan de Oro

SHARE THE TRUTH

 13,094 total views

Nilinaw ng Archdiocese of Cagayan de Oro na ang banal na misa ay bukas para sa lahat na nais makibahagi sa piging ng Panginoong Hesukristo.

Ito ang tugon ni Archbishop Jose Cabantan sa alegasyong nagsasagawa ng special daily mass ang Saint Augustine Metropolitan Cathedral para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte partikular sa kahilingang pagpapabalik sa bansa makarang arestuhin at madetine sa The Hague Netherlands.

Ayon sa arsobispo ang misa sa alas 5:30 ng hapon ay para lahat ng mga nagnanais dumalo ng misa at hindi ekslusibo sa ilang grupo.

“The Holy Mass is a sacred act of worship where the faithful gather to lift up their personal and communal intentions to God. It is never exclusive to any one person, group, or political cause,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cabantan.

Nilinaw din ni Archbishop Cabantan na ang mga placards na naglalaman ng mensahe para sa dating punong ehekutibo na inilagay sa labas ng katedral ay dala ng ilang tagasuporta na dumalo sa misa.

Tiniyak ng arsobispo na mananatiling lugar ng pananalangin at pagbubuklod ng mamamayan ang mga simbahan sa bansa.

“While the Church welcomes all to bring their prayers before God, it remains committed to its mission of universality and neutrality, ensuring that places of worship remain spaces of faith, reflection, and unity. The Church remains a mother to all, embracing everyone with pastoral care, without taking sides in political conflicts,” ani ng arsobispo.

Sinabi ni Archbishop Cabantan bilang pastol ng arkidiyosesis hinimok nito ang mga kristiyanong patuloy ipanalangin ang pagkakamit ng kapayapaan, pagkakaisa at pag-iral ng katarungan sa pamayanan.

Aniya nawa’y maging daan ng pagkakasundo ang bawat isa at umapelang iwasan ang pagbabahagi ng mga maling impormasyon na maaring magdudulot ng kalituhan sa mamamayan.

“As followers of Christ, we must rise above divisions and be instruments of reconciliation and truth. We urge everyone to seek truth from official Church sources and reject misinformation that sows discord,” dagdag pa ni Archbishop Cabantan.

Samantala una nang hiniling ni Davao Archbishop Romulo Valles sa mananampalataya ang kahinahunan at hinimok ang bawat isa na iwasan ang tunggalian sa halip ay ipanalangin ang kasalukuyang naransang tensyong pulitikal sa bansa na nawa’y sa tulong ng Panginoon ay iiral ang pagkakapantay-pantay, pagkakaisa at katarungan tungo sa isang mapayapang lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 8,066 total views

 8,066 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 31,851 total views

 31,851 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 44,086 total views

 44,086 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 229,792 total views

 229,791 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 259,661 total views

 259,660 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 2,197 total views

 2,197 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top