Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 84,998 total reads

Ang problema sa Social Security System, isang state-run social insurance program sa mga manggagawa sa pribado, professional at informal sectors na itinatatag sa pamamagitan ng Republic Act no.1161 o Social Security Act of 1954 na inamyendahan ng RA 8282 of 1997 at Security Security Act of 2018.

Kapanalig, ngayong taong 2025 ay ipapatupad ng SSS ang mandated contribution rate hike na 15 percent mula sa dating 14-percent sa mga manggagawa sa pribadong sektor, propesyunal at informal sectors sa Pilipinas. Ito ay panibagong pasanin sa mga manggagawa, ito ay malaking kaltas sa kanilang kararampot na sahod kada buwan… Ang mataas na kaltas sa SSS contribution ay napakabigat sa balikat ng isang empleyadong sumasahod lamang ng minimum wage na 645-pesos kada araw. Sinasabi ng IBON foundation na ang nararapat na daily living wage (DLW) sa Metro Manila ay 1,207-pesos para makapamuhay ng may digdinad ang isang manggagawa at 5-miyembro ng kanyang pamilya.

Kapanalig, tinukoy ni Pope Francis sa kanyang apostolic exhortation na “Gaudete et Exsultate” a call for holiness in the modern world” ang (Mt.5:12) rejoice and be glad, the Lord asks everything of us, and in return he offers us true life, he want us to be saint and not to settle for a bland and mediocore existence. (Gen.17:1) Walk before me, and be blameless”. Sinasabi din sa (Eph 1:4) For the Lord has chosen each one of us “to be holy and blameless before him in love”.

Ang 15-percent na pagtaas sa buwanang kontribusyon sa SSS bagamat mandato ng Social Security Act of 2018 ay lumikha ng kontrobersiya at maraming katanungan. Paano kasi mga Kapanalig, natuklasan ng Commission on Audit ang garapal na mismanagement sa SSS… Mayroong malaking pagkukulang sa mga opisyal at kawani ng ahensiya na nangangalaga sa pera ng milyon nitong miyembro. Ang kakulangan at pagkukulang ng mga nagpapatakbo sa pera ng mga SSS member ay ipapasa nila ang pasanin at sakripisyo sa mga miyembro na halos hindi na makatawid sa pagba-budget ng kararampot na sinasahod kada buwan.

Kapanalig, babawasan ng SSS ng 15-percent ang sahod ng kanilang miyembro at mga employers upang malawak daw ang serbisyo… Pero, umaabot pa pala sa 93.747-bilyong piso ang hindi nabayaran o nai-remit na premium contributions ng mga employer sa SSS.

Ibig sabihin sa salitang kalye, napakagulang, mapanlinlang at magagaling ang mga nagpapatakbo ng SSS. Ang kanilang kapabayaan at problema sa pagma-manage ng pondo ng ahensiya ay idadagdag pa sa mabigat na pasanin ng mga miyembro.

Bakit kailangan pang magpataw ang SSS ng dagdag na monthly contribution? Nabatid Kapanalig na noong 2024, umabot sa 100-bilyong piso ang net income ng SSS kung tumaas ng 30-porsiyento ang member contribution. Dahil sa net income, tatagal pa ang buhay ng SSS hanggang 2053. Yun naman pala Kapanalig, bakit lalo pang ginagatasan ng SSS ang kanilang mga miyembro? Kayang-kaya naman ng SSS na hindi ipatupad ang pagtaas sa premium contributions.

Dahil dito, inihain ni Senator Riza Hontiveros ang Senate resolution 1269 na naglalayong imbestigahan ang ipinatupad na SSS premium hike at upang ikansela ang implementasyon nito.

Ang katotohanan Kapanalig, nababawasan ang income ng mga manggagawang Pilipino kada taon habang lumalaki ang investment earnings ng SSS. Saan kaya nila ilalagay ang napakalaking kita? Hindi na nakakagulat kung i-allocate ng mga makakasariling opisyal ng SSS ang bilyun-bilyong pisong investment earnings ng SSS sa Maharlika fund?

Sumainyo ang Katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,569 total reads

 20,569 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,696 total reads

 20,696 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 37,113 total reads

 37,113 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,519 total reads

 93,519 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 217,020 total reads

 217,020 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,586 total reads

 300,586 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 37,114 total reads

 37,114 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,520 total reads

 93,520 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 217,021 total reads

 217,021 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top