VeritasPH

The Word, The Truth

 261 total views

Mga Kapanalig, “Stop Asian Hate.” Ito ang panawagan ngayon sa Estados Unidos sa gitna ng sunud-sunod na krimeng target ang mga Asian-American. Maraming naniniwalang ang mga hate crimes na ito ay kaugnay ng anti-immigrant na paniniwala at patakaran ni dating Pangulong Donald Trump. Dagdag pa riyan ay ang pagtawag niya sa COVID-19 bilang “China plague.”

Ano nga ba ang hate crimes? Ayon sa Federal Bureau of Investigation (o FBI) ng Amerika, ang hate crimes ay mga krimeng bunga ng bias laban sa race (o lahi), relihiyon, kapansanan, sekswal na oryentasyon, etnisidad, o kasarian ng biktima. Sa loob ng isang taon, nakapagtala na ng higit 3,800 hateful acts o pagkamuhing madalas pa nga ay marahas laban sa mga Asians sa Amerika. Kasama na riyan ang pagpatay sa walong tao sa isang spa sa Georgia noong ika-16 ng Marso, kung saan anim sa kanila ay babaeng Asyano. Ayon sa STOP AAPI Hate, isang organisasayong binubuo ng mga Asian Americans at Pacific Islanders, mayroong higit 3,000 hate crimes na ang naitala laban sa mga Asians mula Marso 2020 hanggang Pebrero 2021, at 500 sa mga ito ay nangyari lamang nitong Enero at Pebrero. Ngayong buwan din, napatay ang isang 74-anyos nating kababayan habang siya ay naglalakad sa isang pag-atake sa Arizona na hinihinalang hate crime din.

Ngunit ang mas lubhang nakababahala ay ang resulta ng survey na isinagawa ng Center for the Study of Hate and Extemism sa California State University kung saan lumabas na bagamat bumaba ang bilang mga hate crimes ng 7% sa 16 na siyudad sa Amerika noong 2020, kabilang ang siyudad ng New York at Los Angeles, tumaas naman ng 150%  ang mga krimeng  target ang mga Asians.



Ayon sa mga datos, sa mahabang panahon ay mga white o puti ang karaniwang gumagawa ng mga hate crimes na ito, ngunit ang datos mula sa siyudad ng New York ay nagpapakitang ang mga pag-atake sa Asians sa ngayon ay karaniwang ginagawa ng mga people of color. Sa isang insidente, isa sa pitong Latinong naaresto sa pag-atake sa mga Asians noong nakaraang taon ang nanakit sa isang lalaking ipinanganak sa Hong Kong. Sa isa pang hiwalay na insidente ay naaresto naman ang mga African Americans, kabilang ang isang teenager, na hinampas ng payong ang isang 51 taong gulang na babaeng Asian kasabay ng pagsasabing siya raw ang nagdala ng COVID-19 sa Amerika.

Maaaring hindi matingkad ang isyung ito dito sa ating bansa, ngunit huwag nating kalilimutang marami sa ating kapwa Pilipino, ilan sa kanila ay ating kapamilya, ang naninirahan na sa Amerika sa pangarap ng mas magandang buhay. At sa gitna ng pandemya, ito ba ang pakikipagkapwa-taong gusto nating ipakita sa isa’t isa?

Sabi nga ni Pope St. John XXIII sa kaniyang encyclical na Pacem in Terris, bawat isa sa atin ay may karapatang lumipat ng tahanan o freedom of movement, maging ang paglipat na ito ay sa loob o labas ng kaniyang bansa. Kinakailangang hayaan nating lumipat ng tirahan ang isang tao kung ito ang sa tingin niya ay mas makakabuti para sa kanya.[7] Tayo ay bahagi ng iisang mundo, anuman ang ating pagkamamamayan o lahing kinabibilangan.

Ngunit higit sa karapatang lumipat ng bansa, ipinapaalala sa atin sa Levitico 19:32-33 na tayo’y magkakapatid, at kinakailangang mahalin natin ang isa’t isa. Sinabi sa atin ng Diyos, “Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhang kasama ninyo. Ibigin ninyo sila at ituring na kapatid.”

Mga Kapanalig, katulad ng mga dayuhan sa Ehipto sa Lumang Tipan, ang mga Asyanong lumipat sa Amerika ay nag-aasam din ng isang buhay na mas mabuti. Huwag sana itong ipagkait sa kanila.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 11,643 total views

 11,643 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 19,688 total views

 19,688 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 24,768 total views

 24,768 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,475 total views

 30,475 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,263 total views

 39,263 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 11,644 total views

 11,644 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 19,689 total views

 19,689 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 24,769 total views

 24,769 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,476 total views

 30,476 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,264 total views

 39,264 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,652 total views

 40,652 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,966 total views

 54,966 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,656 total views

 58,656 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,259 total views

 57,259 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,246 total views

 67,246 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,214 total views

 71,214 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,101 total views

 82,101 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,540 total views

 94,540 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,298 total views

 105,298 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,551 total views

 52,551 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top