Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 172,500 total views

Kapanalig, napapansin mo pa ba ang mga taong lansangan na nadadaanan mo araw-araw habang papunta ka sa trabaho o paaralan? Nakikita mo pa ba ang kanilang mga sitwasyon, kondisyon, pati kanilang mukha?

Sa mga sidewalks o bangketa, sa tapat ng mga lumang gusali, sa eskinita, makikita natin ang marami nating kapwa Pilipino, kasama ang mga karton na hinihigaan ng kanilang pamilya, o kariton na tinatawag nilang mga tahanan. May mga iba, sa mga lumang buildings sumisilong, pagod, tuliro, at halos wala ng pagasa.

Mahirap bilangin kapanalig, kung gaano karami ang mga mamamayan nating sa lansangan nananahan. May mga datos na nagsasabi na humigit kumulang mga 12,000 ang gumagalang street people sa ating bayan. Pero dahil nga sila ay mobile, mahirap makuha ang eksaktong bilang. Kapanalig, hindi man matiyak, alam nating marami sila. Wala ba tayong magagawa?

Marami sa atin ang natatakot na sila ay lapitan – iniisip natin lagi na baka may mental health issues, baka bayolente sila, baka manakit sila. Pero naisip ba natin kapanalig, na marami sa kanila ay mga taong nawawala, na pinaghahanap din ng kanilang mga pamilya ngunit di na makita o makilala? Naiisip kaya natin na tulad nila, may mga pamilya rin silang naghahanap at naghihintay sa kanila? O hinahanap pa kaya sila ng kanilang kaanak?

Kapanalig, kulang ang dasal at limos kung iyan lamang ang ating ginagawa para sa mga street people. Kailangan dito ng aksyon para naman sila ay maging ligtas. Ang barangay at LGUs kapanalig, ay maaring manguna dito, katuwang ang Department of Social Welfare and Development. Umikot lamang sila at itipon ang mga homeless sa kanilang lugar, linisin, bigyan ng silong, ipanawagan sa kaanak, at tulungan makapagsimula muli, malaki na ang magiging epekto nito. Kaya lamang, siguro, mas nanaig ang takot nating lumapit sa taong grasa kaysa sa pagnanais nating mabago ang buhay niya.

Kapanalig, sana ngayong kwaresma, isa ito sa maging proyekto ng ating mga komunidad. Kongkretong aksyon ang kailangan para sa mga kapwa nating ipinaubaya sa atin ng Diyos para ating alagaan. Dapat natin sanang maunawaan, kapanalig, ang kawalan ng masisilungan ay paglabag sa ating karapatang pantao at niyuyurakan nito ang ating dignidad. Sabi nga sa Gaudium se Spes: All offenses against human dignity, such as subhuman living conditions…all these and the like are criminal: they poison civilization.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 4,809 total views

 4,809 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 31,265 total views

 31,265 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 81,949 total views

 81,949 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 87,882 total views

 87,882 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 116,775 total views

 116,775 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 31,266 total views

 31,266 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 81,950 total views

 81,950 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 87,883 total views

 87,883 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »
Scroll to Top