Sugatang mundo nabibigyang buhay kapag umiiral ang pagmamahalan sa tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 370 total views

Kapag may pagmamahalan, ang sangnilikha ay nagiging isang tahanan para sa lahat.

Ito ang mensahe ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa kanyang liham pastoral hinggil sa pagdiriwang ng Season of Creation na nakapaloob ngayon sa nararanasang krisis dulot ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Bishop Evangelista, nawa’y manaig sa puso ng bawat isa ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos sapagkat napakahalaga ng maidudulot nito sa buhay ng tao upang mas maunawaan ang halaga ng mga nilikha ng Diyos at hilumin ang mundo na unti-unting napipinsala dulot ng iba’t ibang krisis sa kapaligiran.

“Kapag naranasan natin ang pag-ibig ng Diyos, ang biyayang ito ay mananahan sa atin. Matututo tayong tingnan ang lahat ng bagay at mga pangyayari sa ating mundo sa mata ng pag-ibig… Kapag umiral ang pag-ibig ng Diyos sa puso ng bawat tao, ang mundo na sugatan ay muling nabibigyang- buhay,” bahagi ng mensahe ni Bishop Evangelista.

Dalangin naman ng Obispo ngayong panahon ng paglikha na ang bawat pamilya at mga munting sambayanang Kristiyano ay matuto muling lumapit at makinig sa mapagmahal na Diyos na siyang maylikha ng lahat ng bagay.

Sinabi din ni Bishop Evangelista na huwag sanang maapektuhan ng umiiral na pandemya ang pagsisikap ng bawat isa na maging aktibo sa pakikibahagi sa mga layunin ng simbahan na tumulong at magmalasakit sa mga higit na nangangailangan, gayundin ang pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

“Ngayong panahon ng pandemya, huwag lang sana tayong makuntento sa pagdarasal o pagsisimba sa pamamagitan ng online mass. Ang ating mga papuri at pasasalamat sa Diyos ay dapat mauwi sa aktibong pakikisangkot sa mga gawaing may pag-ibig tulad ng pag-aaruga sa mga maysakit, pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga dukha, at pangangalaga sa kalikasan,” saad ni Bishop Evangelista.

Taong 2009 o labindalawang taon na ang nakalipas nang unang ilunsad sa Diyosesis ng Imus ang pinakaunang Season of Creation sa buong Pilipinas na pinangunahan ng noo’y Obispo ng Imus at ngayo’y Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, Luis Antonio Cardinal Tagle.

Taong 2015 naman nang ito’y ipag-utos na isagawa sa iba’t ibang Diyosesis sa buong bansa upang lubos na maipalaganap ang wastong pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan sa kristiyanong pamamaraan.

Tema ng Season of Creation ngayong taon ang “A Home for All? Renewing the Oikos of God”, na ipagdiriwang sa buong buwan ng Setyembre hanggang sa Oktubre 4 kasabay ng kapistahan ni San Francisco de Asis – ang patron ng kalikasan.

Ngunit pinalawig pa ito sa Pilipinas hanggang sa Oktubre 10 upang ipagdiwang ang Indigenous People’s Sunday bilang pagkilala sa mahalagang tungkulin ng mga katutubo sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan.

Diocese of Imus, nakikiisa sa paggunita ng Season of Creation

Diocese of Catarman, nakiki-isa sa pagdiriwang ng Season of Creation

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 146,606 total views

 146,606 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 146,606 total views

 146,606 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 146,606 total views

 146,606 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 142,259 total views

 142,259 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 129,807 total views

 129,807 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top