11,311 total views
Ipinaalala ni Stella Maris Philippines promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga mandaragat na Sumunod, Magsilbi at Maghandog ngayong Pasko.
Ayon sa Obispo, ito ay upang maging kawangis ng Holy Family higit na ng Panginoong Hesuskristo habang nasa ibayong dagat at hindi pa nakakapiling ang pamilya dahil sa trabaho.
“As we reflect on the miracle of the Nativity, we are called to consider the deeper meaning and virtues that the Holy Family Exemplified, Mary and Joseph’s steadfast faith and obedience, and Jesus’ selfless love and service, these actions of obeying, serving and offering are not just historical accounts but living principles that can guide our daily lives,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.
Sinabi ni Bishop Santos na ang pagsunod sa Panginoon ay pagpapakita ng tiwala at pagsuko sa Diyos upang malaman at higit na mapatibay ang pananampalataya sa kabila ng mga agam-agam sa buhay.
Kasunod ito ng pagsisilbi sa Panginoon upang i-alay ang buhay sa kaniya at maisakatuparan ang diwa ng pagsisilbi sa kapwa lalu na sa mga pinakanangangailangan.
Ipinaliwanag ng Obispo na ang paghahandog ng sarili para sa Panginoon at para sa kapwa upang maging daluyan ng pagmamahal ng Panginoon sa lipunan.
“This Christmas, let us open our hearts and minds to the lessons that the Holy Family Teaches us, let us draw inspiration from their unwavering trust in God’s plan, their willingness to offer themselves in service to his will, and their dedication to serving others with humility and love,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Santos.
Ipinagdarasal ni Bishop Santos na sa pamamagitan ng mensahe ay higit na mapalalim ng mga mananampalataya, higit na ng mga Filipino Seafarer ang pananampalataya at magsilbing pagasa sa kapwa.