13,692 total views
Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na ang pagkakatawang tao ni Hesus ay tanda ng liwanag at pag-asa sa sambayanan.
Sa mensahe ng arsobispo ngayong Pasko ng Pagsilang dalangin nito sa bawat pamilya na huwag hayaang mamayani ang pagkalumbay na magdudulot ng kawalang pag-asa sapagkat ipinadala ng Diyos si Hesus upang magbigay pag-asa sa sanlibutan.
“Jesus, born among us, is the reason for our hope. Without Jesus, there is no hope. His love makes us stronger to face all life’s difficulties. His hope will not disappoint us,” ayon kay Cardinal Advincula.
Tinuran ng cardinal ang karanasan ng mga tao sa pinakaunang pasko kung saan hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pananangis at dilim bunsod ng pagmamalabis ng mga makapangyarihan sa lipunan, mga sakim na lider na patuloy ang pagnanasa sa salapi at impluwensya, hindi pantay na karapatan ng mga manggagawa, nga pamilyang walang tahanan at napilitang lisanin ang kani-kanilang lugar upang makahanap ng hanap-buhay dahil sa tumitinding kahirapan at kagutuman gayundin ang mga batang biktima ng cybercrimes at domestic abuses.
Ayon kay Cardinal Advincula sa kabila ng madilim na karansan ng tao at pagnanais ng kaligtasan ay isinilang si Hesus upang maging liwanag na tatanglaw sa pagalakbay ng tao.
“It was filled with lamentations and longings for freedom and redemption. It was dark. It was night. In this darkness, the light has shone, and hope was born,” ani Cardinal Advincula.
Ibinahagi rin ng arsobispo na kasabay ng pagdiriwang ng simbahang katolika sa Pasko ng Pasilang ang pagbukas ni Pope Francis sa Holy Door ng Papal Basilica of St. Peter sa Vatican hudyat ng pagsisimula ng Jubilee Year of Hope 2025 na nakatuon sa temang “Pilgrims of Hope,” “Lakbay Pagasa.”
Dahil dito inaanyayahan ni Cardinal Advincula ang bawat isa na makilahok sa mga gawain ngayong Jubilee Year sa kani-kanilang mga parokya kung saan agn selebrasyon ng arkidiyosesis ay bubuksan sa December 30.
Umaasa ang cardinal na sa pagdating ni Hesus ay taglayin ng bawat isa ang pag-asang ipinagkaloob ng Diyos upang maibahagi sa kapwa.
“May the Holy Year of 2025 make us agents of hope and heralds of joy in our communities,” dagdag ng arsobispo.
Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang Christmas Eve Mass sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral katuwang sina Cathedral Rector Msgr. Rolando Dela Cruz, Vice Rector Fr. Vicente Gabriel Bautista