Synod on Synodality report, agenda sa ika-130TH CBCP Plenary assembly

SHARE THE TRUTH

 1,215 total views

Tatalakayin ng Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas ang resulta ng Synod sa ika-130th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa lalawyan ng Bohol.

Ito ang ibinahagi sa Pastoral Visit on Air sa Radyo Veritas ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace kaugnay sa pagtitipon ng kalipunan sa darating na ika-5 hanggang ika-7 ng Hulyo, 2025.

Ayon sa Obispo na siya rin ng pangulo ng Caritas Philippines, kabilang sa gawaing nakahanay para sa retreat ng mga Obispo na nakatakda sa unang araw hanggang ika-apat na Hulyo, 2025 ang pakikipagtalakayan sa Synodal Team ng bawat diyosesis at sub-regions ng mga Metropolitan provinces.

Ibinahagi ni Bishop Bagaforo na nakasalalay sa magiging talakayan ang pagbubuo ng national team ng synod ng mga panuntunan para sa pagsasakatuparan ng mga pagbabago sa pamamahala sa Simbahan bilang isang ganap na Simbahang Sinodal.

“Imbitado namin hindi lang ang mga Obispo, kung hindi yung mga synodal team sa bawat dioceses or sub-regions ng ating mga metropolitan provinces… Kasama naming sila from all over in the Philippines kaya malakihan itong grupo, from July 1 hanggan July 4. Conversation in Spirit – parang retreat, in the spirit of a retreat, pag-uusapan ang resulta ng Synod at paano natin ma-implement sa ating mga Simbahan… Pagkatapos nito ang mangyayari, ang national team ng synod will now come up ng mga guidelines.” Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo.

Partikular na tinukoy ni Bishop Bagaforo, ang inaasahang higit na pagsusulong sa aktibong partisipasyon ng mga layko sa mga gawaing pang-Simbahan kabilang na ang pangangasiwa dito.

Inaasahan ring matatalakay sa nakatakdang 130th Plenary Assembly ang pagkakaroon ng higit na partisipasyon ng mga kababaihan sa Simbahan bilang pagsasakatuparan ng isang ganap na Simbahang Sinodal.

“Isa siguro yung pagbabago in the governance, yung pagpapatakbo ng simbahan, more involvement of the lay people. Hindi lang sa mga council kung hindi actual governance talaga, for example pagpili ng mga pari in the ordination of the priest, well lalong-lalo na sa administrative na function ng ating simbahan – involvement of lay people will be important there, yung mga role ng mga women, titignan on how we will be involve more women sa ating Simbahan.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Ang Synod on Synodality ay inisyatibo ng Kaniyang Kabanalang Francisco na layuning isulong ang sama samang paglalakbay ng Simbahan tungo sa nag-iisang hangarin at misyon.

Itinakda ng CBCP ang pagtitipon ng mga pastol ng Simbahan sa June 30 hanggang July 7 na isasagawa sa kauna-unahang pagkakataon sa lalawigan ng Bohol.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,800 total views

 13,800 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 28,444 total views

 28,444 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,746 total views

 42,746 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 59,446 total views

 59,446 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 105,200 total views

 105,200 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

YSLEP ng Caritas Manila, pinuri ng Arsobispo

 6,607 total views

 6,607 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mahalaga ang pag-asang hatid ng iba’t ibang mga inisyatibo upang matulungan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top