Synodal process, magpapasigla sa komunidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Naniniwala si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na lalong magpapasigla sa kristiyanong komunidad ang isinasagawang synodal process ng simbahang katolika. Ito ang mensahe ng obispo kaugnay sa ginanap na sinodo sa bikaryato na nilahukan ng mga pari at layko.

Ayon kay Bishop Pabillo mahalaga ang pagtitipon sapagkat ito ang pagkakataong makasalamuha ng pamayanan ang isa’t isa upang alamin ang kani-kanilang kalagayan sa mga komunidad na kinabibilangan.

“Ang synod ay isang experience of encounter. We encounter one another because we believe that in one another we encounter the Spirit of Christ who guides the Church through each one,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Binigyang diin ni Bishop Pabillo ang kahalagahan ng pakikinig at pag-alam sa kalagayan ng kapwa upang bilang simbahan ay matulungan ang kanilang pangangailangan.

Batay sa panawagan ni Pope Francis sa Synod on Synodality hinikayat ang simbahan na hingin at pakinggan ang hinaing ng iba’t ibang sektor sa lipunan kabilang na ang hindi kasapi sa simbahang katolika.

Sinabi ni Bishop Pabillo na sa ganitong paraan ay mas naipapahayag ng simbahan ang misyon na dalhin si Kristo sa bawat pamayanan.

“Ang encounter na ito ay nagdadala ng pagpapanibago sa atin. Ito ay mas lalong nagbibigay ng sigla sa ating buhay kristiyano at sa ating misyon,” ani Bishop Pabillo.

Inaasahan sa Abril isusumite ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang preparatory document sa Vatican upang ihanda sa gaganaping Synod of Bishops sa October 2023.

Magugunitang inilunsad ni Pope Francis ang Synodal Process sa Vatican noong Oktubre 2021 na layuning pagkaisahin ang simbahan sa paglalakbay bilang iisang katawan ni Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang linggong pagiging

Read More »

Krisis sa bukid at laot

Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng mga mamamayan.

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top