Tag-ulan at ang Nagbabarang Syudad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 519 total reads

Kapanalig, opisyal ng nadeklara ng PAGASA ang tag-ulan sa ating bayan. Ang tanong, handa na ba kayo?

Nitong mga nakaraang araw kung kelan sunod sunod na ang pagbuhos ng ulan, traffic ang ating unang nararanasan, lalo na sa mga urban areas, particular sa Metro Manila. Hindi na ito bago, ngunit hindi naman nangangahulugan na wala tayong dapat gawin.

Kung ating mapapansin, kapanalig, sa dinami dami ng mga sasakyan sa Metro Manila, marami pa rin ang mga taong naglalakad at nagco-commute.  Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang populasyon sa NCR ay nasa 11.9 million as of July 2013. Mga 5.26 milyon dito ay nasa labor force at 4.71 milyon naman ang may trabaho.

Isa sa mga pangunahing mode of transport ngayon ay mga tren ng LRT 1 and 2 at ang MRT. Ayon sa isang pag-aaral mula sa JICA at NEDA, mga 1.35 milyon ang pasahero nito kada araw noong 2012. Kapanalig, ang biyahe, nito, kahit hindi pa rush hour, ay laging puno.

Ang mga pribadong sasakyan naman, kapanalig, marami rin. Tinatayang nasa 2.5 milyong sasakyan ang umiikot sa NCR kada araw. Ang bilang na ito ay nadadagdagan pa. Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, ang benta ng mga passenger cars ay tumaas ng 87% mula 2012 hanggang 2014. Nitong 2016, tumaas pa ito ng 27.8% ang Janaury 2017 sales kumpara noong January 2016.

Ang dami ng mga sasakyan at pasahero sa ating mga kalye, lalo na sa mga syudad, ay senyales ng pag-angat ng maraming bayan at lugar sa bansa. Dito, makikita natin na buhay na buhay ang merkado. Ang traffic, kapanalig, at ang sikip sa mga uri ng transports sa ating bansa, sa isang banda, ay repleksyon naman ng kakulangan natin sa pagpapamalakaya ng yaman ng bansa. Hindi sumasabay ang imprastraktura sa paglago ng tao, kaya sa ngayon, ito na mismo ang naghihila pababa sa marami nating mga negosyo at trabaho. Ayon nga sa isang pagsusuri ng JICA noong 2014, mga P2.4 billion ang nawawala sa ating kaban kada araw dahil sa traffic. Paano pa kaya ngayong tag-ulan at nagbabanta na ang baha?

Samahan natin si Pope Francis, sa kanyang Evangelii Gaudium, sa pagdadasal na nawa’y maramdaman din ng ating mga pinuno ang hirap ng araw araw na kalbaryo ng traffic at pila sa mga mass transport system ng maraming mga Pilipino:  I beg the Lord to grant us more politicians who are genuinely disturbed by the state of society, the people, the lives of the poor! (Nagmamaka-awa ako sa ating Panginoon na bigyan tayo ng mas maraming mga politikong tunay na nakaka-ramdam ng estado ng lipunan, ng mga tao, ng buhay ng maralita).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 13,848 total reads

 13,848 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,596 total reads

 48,596 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,078 total reads

 85,078 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,290 total reads

 103,290 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 186,898 total reads

 186,898 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 13,849 total reads

 13,849 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,597 total reads

 48,597 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,079 total reads

 85,079 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,291 total reads

 103,291 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top