Talamak na katiwalian sa flood control projects, kinundena ni Bishop Villarojo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,210 total views

Mariing kinondena ng Diyosesis ng Malolos ang talamak na katiwalian kaugnay ng ghost flood control projects na nagpapalala sa kalunos-lunos na sitwasyon ng mga mamamayan sa lalawigan at mag karatig-lugar.

Binigyang-diin ni Bishop Dennis Villarojo, kasama ang mga pari ng diyosesis, na ang mga proyektong pinondohan mula sa buwis ng taumbayan ay hindi naisakatuparan at nauwi lamang sa korapsyon.

“Ipinapahayag namin ang paninindigan laban sa talamak at sistematikong kultura ng korupsiyon at kasakiman na patuloy na nagpapahirap sa ating bansa… Sa pagkakait ng mga imprastrukturang sana’y nagliligtas-buhay, patuloy tayong nalulubog sa baha, at hindi natatapos ang kahirapan at kawalang-katarungan sa ating bayan,” pahayag ni Bishop Villarojo.

Iginiit ng obispo na ang katiwalian sa flood control projects ay hindi lamang kakulangan sa pamamahala kundi isang mabigat na kasalanan laban sa Diyos at sa kapwa, dahil inilalagay sa panganib ang buhay ng marami at lalo pang nagpapabigat sa kahirapan at kawalang-katarungan.

Dagdag pa ni Bishop Villarojo na bilang mga tagapaggabay ng sambayanan sa pananampalataya, hindi maaaring manahimik lamang ang simbahan habang ang mali ay patuloy na umiiral at nagiging normal.

“Bilang mga pastol, hindi kami maaaring manahimik kapag ang sambayanan ay napapahamak at kapag ang kasalanan ay nagiging bahagi na ng sistema, at ang kawalang-katarungan ay nagiging pangkaraniwan na,” giit ng obispo.

Kasabay nito, nanawagan ang diyosesis sa mga pinuno ng pamahalaan na gampanan ang tungkulin nang may integridad at tiyakin ang agarang imbestigasyon sa mga pekeng proyekto.

Hinimok din ni Bishop Villarojo ang mga ahensya, mambabatas, at hudikatura na maglatag ng pangmatagalang solusyon, papanagutin ang mga tiwaling opisyal, at tiyaking hindi maantala ang katarungan.

Hamon din ng obispo sa mga mananampalataya at Simbahan na iwaksi ang katiwalian, maging mapanuri, at palakasin ang pananalangin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga Banal na Oras ng pagbabayad-puri, at mga Banal na Misa upang hilingin ang pangingibabaw ng mabuting pamamahala sa lipunan.

“Magtulungan tayong muli-kaparian at layko-hindi lamang sa pagpapatayo ng mga nasira o naudlot na imprastruktura kundi pati sa pagpapanumbalik ng tiwala ng bayan… Sa diwa ng pananampalataya at katapangan, buong lakas naming isinisigaw. Tama na ang mga huwad at palpak na imprastraktura! Tama na ang katiwalian!,” saad ni Bishop Villarojo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 116,399 total views

 116,399 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 138,509 total views

 138,509 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 212,397 total views

 212,397 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 207,340 total views

 207,340 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top