Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 158,031 total views

Sa nabunyag na “endemic corruption” sa flood control projects ng pamahalaan na tumagos sa kaibuturan ng puso at isip ng mga Pilipino. Ang galit ng mamamayang Pilipino mula sa iba’t-ibang larangan at sektor ang dahilan upang magprotesta sa lansangan na naging simula ng “TRILLION PESO MARCH” sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa bawat congressional hearing, mayroong bagong rebelasyon, lumilitaw na ang sistema ay nababalot na ng matinding korapsyon, ang lahat ng estado ay nababahiran na ng katiwalian.

Sa nabunyag na sistematikong katiwalian, ang mga Pilipino ang talo. Talunan ang mga Pilipino na pinagnakawan ng mga serbisyo na karapat-dapat nating tinatamasa. Kararampot lang na pondo ang nagastos sa mga flood control project, ang natitirang tax payer’s money ay napunta sa bulsa ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan.

Talunan na naman tayong mga Pilipino, sa mata ng buong mundo tayong mga Pilipino ay hindi mapagkakatiwalaan. Sa Pilipinas talamak ang katiwalian, nakakalat ang mga buwaya. Paano tayo makaka-attract ng mga dayuhang mamumuhan kung saan man sulok ng bansa ay mayroong umaaligid na buwaya?

Ang kawalanghiyaang ito ay sampal sa ating mga matitinong Pilipino at mga honest na servant leader. Dahil dito, naglaho ang hinahangad nating pag-usad ng ating ekonomiya na sinasabing magbibigay ng Magandang buhay sa ating mga Pilipino.

Ano ang nararapat nating gawin mga Kapanalig? Maibabangon pa nating mga Pilipino ang ating puri, ang ating dangal na niyurakan ng mga buwaya nating opisyal ng pamahalaan?

Hindi pa huli ang lahat Kapanalig, hindi pa tayo tuluyang nagugupo ng korapsyon. Harinawa, hindi lang naka-focus ang ating pag-asa sa binuong Independent Commission on Infrastructure. Kailangang kumilos ang ating law enforcement agency, ang Department of Justice, ang Office of the Ombudsman upang makabuo ng isang matibay na kaso laban sa mga sangkot sa katiwalian., mapakulong at mapanagot sa batas ang mga ganid sa kaban ng bayan.
Upang makabangon tayong mga Pilipino sa hagupit ng “floodgates scandal”, nanindigan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Kongreso, sa DOJ na huwag baluktutin ang batas para sa kapakanan ng iilan sa halip ay palakasin ito at ganap na ipatupad upang mapanatiling protektado ang mamamayang Pilipino. Nagbabala ang opisyal ng simbahan sa pagkilos na gawing state witness ang mag-asawang Discaya at iba pang akusado.

Naninindigan si Rev.Father Jerome Secillano na “To another Senator, Restitution may not be a legal condition for deciding who should be a state witness, but the Discaya’s involvement in this corrupt scheme doesn’t point to them as the least guilty. Even if there may be a necessity for the testimony of the Discayas in this corruption issue, it may not be an ABSOLUTE NECESSITY since the testimonies of the other culprits involved have so far been direct and have been corroborated by material evidences like documents, photos, text messages and places.”

Sinasabi ng “ISAIAH 1:23:“Your rulers are rebels, companions of thieves; they all love bribes and chase after gifts. They do not defend the cause of the fatherless; the widow’s case does not come before them.” –

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,397 total views

 34,397 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 57,229 total views

 57,229 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,629 total views

 81,629 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,526 total views

 100,526 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 120,269 total views

 120,269 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,398 total views

 34,398 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 57,230 total views

 57,230 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,630 total views

 81,630 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,527 total views

 100,527 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 120,270 total views

 120,270 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 135,170 total views

 135,170 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 152,002 total views

 152,002 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 161,859 total views

 161,859 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 189,674 total views

 189,674 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 194,690 total views

 194,690 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »
Scroll to Top