CMSP-JPICC, nakiisa sa pambansang araw ng pagkilos laban sa coal at gas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,717 total reads

Nakibahagi ang Conference of Major Superiors in the Philippines – Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC), kasama ang mga katuwang sa misyon, sa Pambansang Araw ng Pagkilos Laban sa Coal at Gas nitong October 2, 2025, kasabay ng pagdiriwang ng Panahon ng Paglikha.

Sa Banal na Misa sa St. Anthony de Padua Shrine sa Sampaloc, Manila, ibinahagi ni CMSP-JPICC National Coordinator, Fr. Angel Cortez, OFM, ang paninindigan ng kapulungan para sa pangangalaga ng kalikasan at pagtataguyod ng katarungan para sa mga maralitang lubos na apektado ng krisis sa klima.

Matapos ang Misa, nagsagawa ang mga relihiyoso’t relihiyosa ng Climate Walk patungong Plaza Mendiola upang makiisa sa iba’t ibang grupong nagtipon bilang bahagi ng paggunita sa National Day of Action Against Coal and Gas.

“Sa Pambansang Araw ng Pagkilos Laban sa Coal at Gas, ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) – Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (JPICC), kasama ang aming mga katuwang sa misyon, ay nakikiisa sa libu-libong Pilipino sa Kalakhang Maynila at sa iba’t ibang panig ng bansa sa isang sama-samang sigaw para sa katarungan,” pahayag ng CMSP-JPICC.

Nakikiramay rin ang CMSP-JPICC sa mga nasalanta ng mga nagdaang kalamidad—ang mga nawalan ng tahanan at buhay sa lindol sa Cebu, naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas, at mga nasalanta ng bagyo at pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa.

Anila, patunay ito ng kahinaan ng Pilipinas sa umiiral na krisis sa klima na lalong pinalalala ng pang-aabuso sa kalikasan.

Mariing kinondena ng kapulungan ang katiwalian at kasakiman na sumisira sa tiwala ng mamamayan, kabilang ang maling paggamit ng bilyun-bilyong pisong pondo para sa flood control.

Binatikos din ng CMSP-JPICC ang patuloy na pagtangkilik sa coal at gas na nagdudulot ng mataas na singil sa kuryente at malawakang pinsala sa kalikasan.

“Ang pagkakasalalay sa coal at gas ay naglulubog sa bansa sa siklo ng mataas na presyo ng kuryente, pagkasira ng kalikasan, at lumalalang epekto ng pagbabago ng klima… Kapag nilalapastangan ang pampublikong yaman at ipinapailalim sa kasakiman ang enerhiya, ninanakawan ng iilan ang mahihirap at inilalagay sa panganib ang kinabukasan ng lahat,” ayon sa CMSP-JPICC.

Iginiit ng kapulungan na ang kanilang paninindigan ay kaisa ng mga lalawigang nagdurusa dahil sa mga proyektong nakapipinsala sa kalikasan, kabilang ang Quezon, Batangas, Mindoro, Leyte, Samar, Cagayan de Oro, Zambales, at Negros.

Hinimok ng grupo ang pamahalaan na isulong ang malinis, abot-kaya, at makatarungang enerhiya, at iginiit ang agarang paglipat sa renewable energy na nakaugat sa katarungan at pangangalaga sa kalikasan.

“Tama na ang uling. Tama na ang gas. Tama na ang katiwalian sa mga proyektong pang-enerhiya at pang-kontrol ng baha. Oo sa malinis, abot-kaya, at makatarungang enerhiya. Oo sa tapat at pananagutan sa pamahalaan,” sigaw ng CMSP-JPICC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 89,094 total reads

 89,094 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 183,124 total reads

 183,124 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 227,392 total reads

 227,392 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 250,501 total reads

 250,501 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 321,611 total reads

 321,611 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,169 total reads

 147,169 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top