Pontifical coronation, iginawad ni Pope Leo XIV sa imahe imahe ng Nuestra Señora de los Ángeles ng Pila Pila, Binangonan, Rizal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,770 total views

Malugod na ibinahagi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang paggawad ni Pope Leo XIV ng Pontifical Coronation sa imahe ng Nuestra Señora de los Ángeles ng Pila Pila, Binangonan, Rizal.

Ayon sa obispo, isang malaking biyaya para sa diyosesis at sa lokal na simbahan ng Rizal ang pagkilalang ito na magpapalago ng debosyon sa Mahal na Ina, lalo’t kilala ang mga Pilipino bilang Pueblo Amante de Maria.

“We are very thankful to His Holiness, Pope Leo XIV, for this immense blessing. We renew our filial affection and take this amazing honor of the pontifical coronation of this historic and hallow 133-year-old Nuestra Señora de los Ángeles as a responsibility to further spread our Catholic faith, deepen our Marian devotion and live more concretely the teachings of our Church,” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagkilala ng Simbahang Katolika sa imahe ng Mahal na Ina ay magsisilbing gabay sa mga mamamayan, lalo na sa mga naninirahan malapit sa lawa ng Laguna de Bay.

“With the Pontifical Coronation of Nuestra Señora de los Ángeles, which geographically lies along and facing the Laguna de Bay, we humbly invoke her as our Lady of the Lake, shining and guiding star of our fisher folks plying around the Talim island,” dagdag pa ng obispo.

Batay sa tala, nagsimula ang debosyon sa Our Lady of the Angels noong 1892 nang masaksihan ni Teniente Ambrosio Blanco ang isang liwanag at estampa ng Mahal na Birheng Maria.

Mula sa larawan sa estampa ay nilikha ang imahen ni Juan de Plamenco ng Malate, Manila, na inilipat sa isang kapilya sa Pila Pila. Noong 2022, ginawaran ito ng Episcopal Coronation bilang pagkilala sa 130 taon ng debosyon.

Noon, ipinagdiriwang ang pista ng Nuestra Señora de los Ángeles tuwing March 15, subalit inilipat ito sa August 2, alinsunod sa liturhikal na kapistahan ng Birheng Reyna ng mga Anghel.

Ipinahayag ni Bishop Santos na sa pamamagitan ng pamamatnubay ng Mahal na Ina, matatagpuan ng mga mananampalataya ang landas patungo kay Kristo.

“With the Blessed Mother Mary we come to Jesus. And from Jesus graces spring and ocean of mercy overflows,” ani Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 10,923 total views

 10,923 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 39,274 total views

 39,274 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 107,004 total views

 107,004 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 130,155 total views

 130,155 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 199,566 total views

 199,566 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top