Pagdarasal ng Oratio Imperata kontra katiwalian, ipinag-utos ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,310 total views

Ipinag-utos ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdarasal ng Oratio Imperata para sa integridad, katotohanan at katarungan sa lahat ng parokya, oratoryo, kapilya at simbahan sa ilalim ng Archdiocese of Manila.

Sa kanyang pastoral letter, binigyang-diin ng kardinal ang lumalalang katiwalian sa bansa na hindi lamang nakasisira sa pamahalaan kundi pati sa lipunan at moralidad ng tao.

“The magnitude of corruption in our country is more and more appalling as we continue to discover its enormity and extent. It has caused untold damage to our institutions, to our people, and to the very fabric of our moral and social life,” ayon kay Cardinal Advincula.

Inihayag ng kardinal, ang korapsyon ay hindi lamang isang usaping pampulitika o pang-ekonomiya kundi isang mabigat na suliraning moral at espiritwal.

“The evil of corruption is not merely a political or economic problem; it is a profound moral and spiritual crisis that gravely wounds the dignity of the human person and betrays the common good,” giit ng kardinal.

Ipinaliwanag din ng arsobispo na ang pagdarasal ng Oratio Imperata ay isang natatanging hakbang na isinasagawa lamang sa mga pinakamalubhang kalagayan ng lipunan.

Kasabay nito, ipinag-utos din ni Cardinal Advincula ang pagpapatunog ng mga kampana sa lahat ng simbahan tuwing alas-8 ng gabi bilang panawagan laban sa katiwalian at paanyaya sa pagbabalik-loob.

“We order that all the bells of our churches be rung every evening at 8:00 P.M.—a prophetic cry of indignation and outrage against the evil of corruption, as well as a resounding call to contrition and conversion,” ani ng kardinal.

Hinikayat din ng arsobispo ang sambayanan na magkaisa at manindigan para sa katotohanan at katarungan.

“Signs of hope continue to shine… in the growing awareness among our people of the grave evil of corruption, by their courage to stand up, take to the streets, and become actively involved,” dagdag ng arsobispo.

Ipinaalala rin ng arsobispo na sa pamamagitan ng sama-samang panalangin at pagtitiwala sa Diyos, sa gabay ng Mahal na Birheng Maria, ang bansa ay makasusumpong ng liwanag at tunay na pagbabago.

Samantala, nananatiling mainit ang imbestigasyon ng Kongreso hinggil sa multibillion-peso flood control projects at budget insertions sa 2025 national budget, kung saan nadaragdagan pa ang pangalan ng mga mambabatas na nasasangkot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 74,367 total views

 74,367 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 92,267 total views

 92,267 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 138,833 total views

 138,833 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 125,963 total views

 125,963 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 141,842 total views

 141,842 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top