Bishop Santos, nagpaabot ng pakikiramay at panalangin sa mga biktima ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,155 total reads

Nagpaabot ng pakikiramay at panalangin si Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa mga mamamayan ng Cebu na labis na naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol.

Ayon kay Bishop Santos, hindi pa man lubos na nakakabangon ang bansa mula sa nagdaang malalakas na bagyo ay muling naharap ang mga Pilipino sa panibagong pagsubok dahil sa pinsalang iniwan ng matinding pagyanig.

Gayunman, binigyang-diin ng obispo na sa sa kabila ng pangamba at hirap, ang Diyos ay nananatiling kanlungan at matibay na sandigan ng pananampalataya at pag-asa.

“Though we may feel overwhelmed, we are never abandoned. The Lord walks with us through every storm, every tremor, every tear,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa ipinadalang mensahe sa Radyo Veritas.

Sa kanyang panalangin, hiniling ni Bishop Santos na balutin ng Diyos ng pag-ibig at kalakasan ang mga Cebuano, at nawa’y ipadala ang mga anghel upang maging gabay at proteksyon sa bawat pamilya, lalo na ang mga nawalan ng mahal sa buhay.

Tiwala ang obispo na maging ilaw ng pag-asa at kagalingan ang Simbahan sa mga panahong ito ng matinding pangangailangan.

“In the face of adversity, let us be reminded that the cross leads to resurrection. Cebu will rise again, stronger and more united. And we, as one Church, will continue to walk with her every step of the way,” saad ni Bishop Santos

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 72 ang nasawi, higit 200 ang sugatan, at mahigit 200,000 katao ang apektado ng lindol.

A Prayer of Compassion and Strength for Cebu
“God of mercy and compassion, We lift up to You the people of Cebu, shaken by the earthquake and burdened by past storms. Wrap them in Your loving embrace, calm their fears, and restore their strength. Send forth Your angels to protect every family, every child, every soul in need. May Your Church be a beacon of hope and healing. And may we, Your people, rise together in faith, rebuilding not only homes but hearts. Through Christ our Lord. Amen.”

+RUPERTO CRUZ SANTOS, D.D.
Bishop of Antipolo and Parish Priest
International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 7,622 total reads

 7,622 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 13,836 total reads

 13,836 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 129,614 total reads

 129,614 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 250,194 total reads

 250,194 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 299,771 total reads

 299,771 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 235,262 total reads

 235,262 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top