Mga apektado ng lindol sa Cebu, tutulungan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,305 total reads

Tutulong ang Caritas Manila sa mga Cebuanong lubhang naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol na puminsala sa lalawigan noong Setyembre 30.

Ayon kay Fr. Anton Pascual, executive director ng social arm ng Archdiocese of Manila, nakikipag-ugnayan na sila sa Caritas Cebu upang agad na makapaghatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.

“Una sa lahat tayo ay nananalangin para sa kaligtasan ng mga Cebuano. Tayo ay handang tumulong para sa relief, rehabilitation, at reconstruction ng mga napinsala ng lindol. Tayo ay handang tumulong sa pamamagitan ng Caritas Cebu,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 70 katao na ang nasawi habang mahigit 200 ang sugatan. Tinatayang nasa 200,000 indibidwal din ang labis na naapektuhan ng sakuna, partikular sa Bogo City, Cebu, na tinukoy bilang epicenter ng lindol.

Binigyang-diin ni Fr. Pascual ang kahalagahan ng pagtutulungan sa ganitong mga pagkakataon upang maibsan ang paghihirap ng mga naapektuhan at matulungang mabilis silang makabangon mula sa trahedya.

Samantala, ipinag-utos ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga parokya ang pagpapatupad ng inisyatibong “adopt a parish”, kung saan ang mga parokyang hindi naapektuhan ng lindol ay tutulong sa mga parokyang labis na nasalanta upang matiyak ang pantay na paglingap sa mga komunidad.

Kasabay nito, puspusan ang ginagawang structural assessment sa mga simbahan at rectory ng arkidiyosesis, lalo na sa hilagang bahagi ng Cebu na matinding tinamaan ng malakas na pagyanig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 48,817 total reads

 48,817 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 85,607 total reads

 85,607 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 118,551 total reads

 118,551 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 169,700 total reads

 169,700 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 231,327 total reads

 231,327 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top