Pakikiramay ni Pope Leo XIV sa mga biktima ng lindol sa Cebu, ibinahagi ni Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,358 total reads

Ibinahagi ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang pakikiramay at panalangin ng Kanyang Kabanalan Leon XIV para sa mga biktima ng magnitude 6.9 earthquake sa lalawigan ng Cebu.

Ayon kay Archbishop Uy, personal siyang tinawagan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, upang iparating ang taos-pusong pakikiramay ng Santo Papa sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at sa lahat ng patuloy na humaharap sa hirap dulot ng trahedya.

Nagpahayag din ng panalangin si Pope Leo XIV para sa kaligtasan, kagalingan, at agarang pagbangon ng mga apektadong komunidad.

“The Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown, called me to convey the Holy Father’s heartfelt sympathies for all the survivors of the earthquake, and his prayers for the eternal repose of the victim,” pagbabahagi ni Archbishop Uy.

Malapit na sa puso ng Santo Papa ang Pilipinas, lalo na ang Cebu, dahil noong 2004 at 2010 ay bumisita siya, bilang noo’y Prior General ng Order of Saint Augustine, sa Augustinian Province of Santo Niño de Cebu.

Samantala, isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cebu bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nasawi, malawakang pinsala sa mga imprastruktura, at pagkaantala sa mga pangunahing serbisyo.

Patuloy rin ang pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan upang matiyak ang mabilis na pagtugon at pag-agapay sa mga biktima, lalo na sa Bogo City na siyang episentro ng lindol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 90,125 total reads

 90,125 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 184,155 total reads

 184,155 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 228,423 total reads

 228,423 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 251,532 total reads

 251,532 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 322,592 total reads

 322,592 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,207 total reads

 147,207 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top