Maging guardian angel ng mga biktima ng lindol, panawagan ni Cebu Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,582 total views

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mamamayan na isabuhay ang “mission of love” ng mga anghel sa pagdiriwang ng kapistahan ng Guardian Angels nitong October 2.

Sa kanyang homiliya, nanawagan ang arsobispo sa bawat isa na maging “guardian angel” para sa kapwa, lalo na sa mga naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol na tumama sa Cebu kamakailan.

Let us promise to be angels for one another—especially by sharing our blessings generously with the victims of the earthquake and all who are in need,” ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng arsobispo na sa kasalukuyang kalagayan ng maraming pamilya sa Northern Cebu na nawalan ng tahanan at kabuhayan, mahalagang magbahaginan ng makakayanan—pagkain, damit, pansamantalang matutuluyan, at higit sa lahat, mga panalangin.

To be a guardian angel for someone is to protect the weak, to accompany the lonely, and to give hope to those who have lost much,” dagdag pa ng arsobispo.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 72 ang nasawi, mahigit 200 ang sugatan, at higit 200,000 katao ang apektado ng lindol.

Limang simbahan sa arkidiyosesis ang napinsala, kabilang ang Archdiocesan Shrine of Santa Rosa de Lima sa Daanbantayan; Parroquia de San Pedro Apostol sa Bantayan Island; St. Martin de Porres Parish sa Tabogon; San Sebastian Parish sa Borbon; at San Juan Nepomuceno Parish sa San Remigio.

Ayon kay Archbishop Uy, ang kapistahan ng Guardian Angels ay hindi lamang araw ng pasasalamat kundi araw din ng hamon.

This feast is a day of gratitude—to God for His constant care, and to our guardian angels for their tireless presence. But it is also a day of challenge,” saad ni Archbishop Uy.

Ang kapistahan ng Guardian Angels ay ipinagdiriwang tuwing Oktubre 2. Nagsimula ito noong ika-16 na siglo at pormal na isinama sa Roman Calendar ni Pope Paul V noong 1615.

photo from Archdiocesan Shrine of Sta. Rosa de Lima/Facebook

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 76,497 total views

 76,497 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 94,397 total views

 94,397 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 140,963 total views

 140,963 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 128,018 total views

 128,018 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 143,768 total views

 143,768 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top