190 total views
“Tama na ang pangangampanya, serbisyo publiko muna.”
Ito ang naging panawagan ni Archdiocese of Tuguegarao, Auxiliary Bishop Ricardo Baccay sa pamahalaan dahil hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan ang problema sa irigasyon ng mga magbubukid sa kanilang lugar.
“Yun ang pinag–uusapan ngayon pero sa ngayon hindi ko naman alam kung ano ang solusyon na sa kanilang pag–uusap ‘yun ang ipapatupad. Busy pa sa election kasi marami ang ginagawa ngayon puro campaign,” pahayag ni Bishop Baccay sa panayam ng Radyo Veritas.
Ayon kay Bishop Baccay kinakailangan na nang masinsinang pakikipag – diyalogo ng lokal na pamahalaan, mga non – government organization at ng simbahan upang maihain ang mga praktikal na solusyon sa usapin ng El Nino.
“Sana mag–umpisa na yung usapin, sana mag – upo na magkaalaman kung ano ang solusyon ng nasa kapangyarihan, nasa authority ng mga government officials, mga NGOs sa ngayon pa lang sana pag – usapan na. Huwag nating hintayin may problema tapos hindi natutugunan ang pangangailangan sa kung saan sa hindi pagkaka – intindihan. Sana ang panawagan ko ngayon mag – usap na,” giit pa ni Bishop Baccay sa Veritas Patrol
Ramdam na rin ayon kay Bishop Baccay ng mga magsasaka sa kanilang lugar ang gutom ngunit naniniwala ang Obispo na mainam ang inilabas na Oratio Imperata for Rain ng Catholic Bishops Conference of the Philippines upang mapatubigan ang lupang sakahan ng mga magbubukid.
“Ito nga ang malaking problema na nakikita ng mga tao lalo na ng mga magbubukid sana yung dasal na ibinigay ng CBCP ay ating dasalin at yung mga praktikal na solusyon ay pag – usapan sana ng mga nasa authority that they try to come up with some solutions. But I’m not aware of their discussion now but they are now into the issue,” pahayag ni Bishop Baccay.
Sa datos ng Department of Agriculture umabot na P6.7 bilyong piso na produktong agrikultura ang nalugi habang nasa mahigit 180 libong magsasaka na ang apektado ng El Niño sa buong bansa