Taong 2020, ituring na taon ng “purification”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,554 total reads

Hindi dapat ituring ng mga Filipino ang Taong 2020-bilang isang malas o mapaminsalang taon dulot na rin ng pandemic novel coronavirus at ang sunod-sunod na kalamidad na dumating sa bansa simula noong Enero.

Ayon kay Fr. Angel Cortez, executive secretary ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) for Men, ang bawat taon ay itinalaga bilang taon ng Panginoon na tuwinang nagbibigay ng biyaya at pagpapala sa sangkatauhan.

Ipinaliwanag ng Pransiskanong pari na sa halip ay dapat ituring ang kasalukuyang taon bilang taon ng paglilinis o ‘purification’.

Ito ay sa pamamagitan ng pagninilay sa ating pananampalataya, pagtingin sa kalikasan gayundin sa usapin ng pulitika.

PANANAMPALATAYA
“Dapat ituring ang taong 2020 bilang A year of great realization na as we celebrate the 500 years, dapat meron na tayong realization sa buhay natin bilang mga katoliko na hindi lamang tayo sinakop ng mga Kastila para maging Katoliko, that we are destined to be people of God. And also, we anticipate hope after we experienced everything yun bang lalu nating mapalalim ang pananampalataya, yung grasya, yung awa ng Diyos nandoon all through-out pandemic. Hindi Nya tayo pinabayaan, tayo ang lumalayo dahil ang tingin natin pinaparusahan tayo,” ayon kay Fr. Cortez.
Ipinagdarasal ng pari na ang bawat isa ay magkaroon ng pagbabalik loob at pagsusuri sa ating pananampalataya na magdudulot nang higit pang pagkilala sa mga biyaya ng Diyos lalu’t naghahanda ang buong Pilipinas para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa na ipagdiriwang simula sa taong 2021 hanggang 2022.

“So, at least hindi lang tayo nag-celebrate, kundi dinaanan natin ang proseso. Katulad ng mga kristiyano noon bago dumating ang kristiyanismo dito,” ayon kay Fr. Cortez.

PULITIKA
Ipinaliwanag pa ni Fr. Cortez na ang purification ay hindi lamang sa usapin ng pananampalataya kungdi maging ang ating pananaw sa pulitika at mga usaping panlipunan.

Sinabi ni Fr. Cortez na isa rin itong pagkakataon na makilala ang bawat lider ng pamahalaan sa kanilang pagmamalasakit sa mamamayan lalu na sa panahon ng pangangailangan.

“Nasubok natin ang ating liderato natin ngayon. Sino talaga ang mayroong hangarin na magsilbi. Kaya makikita mo ngayon kung sino ang may malasakit.

KALIKASAN
Bukod sa pandemya, labis din ang tinamong pinsala at lawak ng epekto sa mamamayan ng pananalasa ang magkakasunod na bagyo.

Dahil sa malawakang pagbaha ay maraming mga pamayanan ang nalubog sa baha at mga pagguho ng lupa.

Ayon sa pari, nawa ay mapagnilayan ng bawat mamamayan ang pagsasantabi sa pangangalaga ng kalikasan at ang pagbibigay ng halaga sa mga nilikha ng Diyos tulad ng mga puno at bundok na ating pananggalang laban sa mga kalamidad.

Sa pagbubukas ng taon, sumabog ang bulkang Taal, lumaganap ang novel coronavirus at ang magkakasunod na pananalasa ng malalakas na bagyo sa bansa kaiblang ang Super Typhoon Rolly at Ulysses na nagdulot ng labis na pinsala sa malaking bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 13,670 total reads

 13,670 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 71,413 total reads

 71,413 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 156,780 total reads

 156,780 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 203,515 total reads

 203,515 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 251,387 total reads

 251,387 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 351,847 total reads

 351,847 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 314,080 total reads

 314,080 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 420,176 total reads

 420,176 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top