Tatlong dekada ng CARP

SHARE THE TRUTH

 896 total views

Mga Kapanalig, tatlong dekada na ngayong taon ang Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP na naisakatuparan sa pamamagitan ng Republic Act No. 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988. Isa ito sa mahahalagang programang sinimulan kasabay ng unti-unting pagtatatag ng demokrasya sa Pilipinas matapos ang mahabang panahon ng diktadura. Layunin ng CARP na maipamahagi ang mga lupang-sakahan sa mga magsasaka at manggagawa sa mga sakahan at tulungan silang umunlad at magkaroon ng maayos na pamumuhay.

Mula noon hanggang 2017, mahigit 4.7 milyong ektarya ng lupang sakahan—kasama ang mga pribadong sakahan—ang naipamahagi na sa 2.8 milyong magsasaka o agrarian reform beneficiaries o ARBs. Katumbas sila ang mahigit kalahati (o 54%) ng mga pamilyang umaasa sa pagsasaka. Mahigit 6,000 samahan ng mga magsasaka ang natulungan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pautang na may mababang interes, mga pagsasanay o training, at iba pa. Samantala, kailangan pang ilipat sa mga karapat-dapat na ARBs ang pagmamay-ari ng mahigit kalahating milyong ektarya ng mga sakahang isinailalim sa CARP, karamihan sa mga ito’y pagmamay-ari ng mga tinaguriang “panginoong may lupa”.
Gayunman, may dalawang malaking hamon upang lubusang makamit ang layunin ng CARP.

Una, sa mga lupaing naipamahagi na, may ilang napabayaang magamit para gawing residential o kaya naman ay commercial areas. Land conversion po ang tawag dito, at may mga kaso ng land conversion na hindi dumaan sa tamang proseso o kaya nama’y naaprubahan kahit hindi kumpleto ang mga requirements. May mga kaso ring nagawan ng paraan upang lusutan ang nakasaad sa batas upang palitawing legál ang land conversion, gaya na lamang ng pagpatag ng isang bundok sa Boracay. Kung inyong maaalala, inusisa ng isang babaeng lider-magsasaka, si Ka Elvie Baladad, ang pagsira sa bundok ng kompanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Senadora Cynthia Villar. Ani Ka Elvie, ang lupang sinira o lupang tinayuan na ng kabahayan ay hindi na maaaring taniman ng palay.

Hadlang din sa pamamahagi ng lupang sakahan ang hindi pagkakasama sa CARP ng marami pang pribadong sakahan. Hindi na nagawang isyuhan ng Department of Agrarian Reform o DAR ng notice of coverage o NOC ang mga ito bago matapos ang itinakdang panahon ng programa. Ang NOC ang simula ng proseso ng pamamahagi ng lupa sa mga benepisyaryo, kaya’t kung walang NOC, walang lupang maipamamahagi. Sa mga nabigyan naman ng NOC, marami ang sinasabing erroneous o may mga mali gaya ng hindi tamang sukat ng lupa o hindi kumpletong pangalan ng may-ari na naisulat sa titulo. Kung hindi maitatama ang mga ito, wala ulit lupang maipamamahagi.

Hindi perpektong solusyon ngunit isang mahalagang hakbang ang CARP upang tugunan ang problema ng ‘di patas at ‘di makatarungang paggamit ng likas-yamang katulad ng lupa sa Pilipinas. Alinsunod din ito sa isang batayang prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan—ang pangkalahatang layunin ng mga bagay sa mundo at ng pribadong ari-arian; sa Ingles, universal purpose of earthly good and private property.

Gaya ng sinasabi sa Gaudium et Spes, “Inilaan ng Diyos ang daigdig at ang lahat ng mga nilalaman nito para sa lahat ng tao upang makatarungang mapagbahaginan ng sangkatauhan ang lahat ng bagay na nilalang…” Ginamit naman sa Populorum Progressio ang winika ni San Ambrosio upang bigyang katwiran ang pamamahagi ng yaman ng mundo lalo na sa mga mahihirap. Ani San Ambrosio, “Hindi ninyo ibinibigay ang inyong kayamanan sa taong dukha. Ibinibigay ninyo sa kanya ang sa kanya… Ipinagkaloob ang mundo sa lahat, at hindi lamang sa mga nakaririwasa.” Ito ang diwa ng CARP.
Ang tanong ngayong tatlong dekada na ang CARP: seryoso kaya ang administrasyong Duterte na ipagpatuloy ang repormang agraryo? O hahayaan nitong manatili sa kamay ng iilan ang mga lupang dapat pakinabangan ng lahat?

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 58,785 total views

 58,785 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 62,764 total views

 62,764 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 73,656 total views

 73,656 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 86,098 total views

 86,098 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 96,860 total views

 96,860 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 58,786 total views

 58,786 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 62,765 total views

 62,765 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 73,657 total views

 73,657 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 86,099 total views

 86,099 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 96,861 total views

 96,861 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,134 total views

 51,134 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 50,679 total views

 50,679 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 52,903 total views

 52,903 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,403 total views

 46,403 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 45,754 total views

 45,754 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 51,622 total views

 51,622 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,368 total views

 55,368 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,318 total views

 61,318 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 41,505 total views

 41,505 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 52,624 total views

 52,624 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top