CFC-FFL, Kinundena ang Pagpatay sa mga Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 695 total views

Mariing kinondena ng Couples For Christ Foundation for Family and Life o CFC-FFL ang madugong pagpaslang sa tatlong Pari ng Simbahang Katolika.

Ayon sa grupo, sa gitna ng pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas kung saan malaki ang naging bahagi ng Simbahan dahil sa pagiging Martir ng tatlong paring sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora, ay nagdadalamhati ang Inang Simbahan dahil sa nakababahalang pagpaslang sa kanyang mga Pastol.

“Today has become a day of mourning for the Bishops and the Clergy. We, the Couples for Christ Foundation for Family and Life (CFC-FFL), a duly recognized Catholic community of the lay faithful, stand in solidarity with our Bishops and the Clergy, for the alarming gruesome killings of three Catholic Priests: Fr. Richard Nilo is the third Catholic priest to be murdered in the recent months. Fr. Tito Paez in December 2017, Fr. Mark Anthony Ventura in May 2018.” Bahagi ng pahayag ng grupo.

Iginiit ng CFC-FFL na labis na ang ginagawang paglapastangan sa Simbahang Katolika at ang mga paring pinaslang ay malinaw na walang kinalaman sa Iligal na droga o anumang Krimen na lumalaganap sa lipunan.

Naninindigan ang grupo na hindi mananahimik ang Simbahan sa Kawalang Katarungang umiiral ngayon sa Lipunan.

Anila, ang misyon ng bawat mananampalataya na pagpapalaganap ng turo ng Panginoong Hesukristo ay hindi lamang dapat sa pamamagitan ng mga salita kundi sa pamamagitan ng mga gawa.

“We cannot remain silent as we preach the mission of Our Lord Jesus Christ and see all these savage acts happening to our country. The Gospel of God’s love for man, the Gospel of the dignity of the person, and the Gospel of Life are a single and indivisible Gospel.” Dagdag pa ng grupo.

Matatandaang noong Disyembre 2017 ay pinaslang si Rev. Fr. Marcelito Paez ng mga hindi pa nakikilalang salarin at wala pang isang taon ay sinundan agad ito ng pagpatay kina Rev. Fr. Mark Ventura noong Mayo 2018 at Rev. Fr. Richmond Nilo ngayong Hunyo ng kasalukuyang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 127,559 total views

 127,559 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 157,781 total views

 157,781 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 184,429 total views

 184,429 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 279,402 total views

 279,402 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 292,181 total views

 292,181 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 344,970 total views

 344,970 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top