7,946 total views
Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya na makiisa sa Season of Creation 2025 mula Setyembre 1 hanggang Oktubre 4 upang palakasin ang pangangalaga sa kalikasan.
“This Mass gives us a pastoral way to thank God for the gift of creation and to renew our mission as faithful stewards of our common home,” ayon sa mensahe ni CBCP President Cardinal Pablo Virgilio David.
Binigyang-diin din ng obispo ng Kalooka ang epekto ng pagbabago ng klima at pagsira sa kapaligiran.
“We cannot ignore the grave threats facing our world today—climate change, environmental destruction, and the reckless exploitation of resources. These burdens fall most heavily on the poor and vulnerable.”
Giit ng kardinal, ang pangangalaga sa kalikasan ay higit pa sa tungkuling pangkalikasan.
“To care for creation, therefore, is not only an ecological duty but a moral and spiritual responsibility—a path of justice, peace, and love.”
Hinikayat ng CBCP ang mga parokya at pamilya na magdasal, makiisa sa misa, at gumawa ng konkretong hakbang tulad ng pagbawas ng basura, pangangalaga sa kagubatan at karagatan, at pagtitiyak ng kaligtasan ng buhay para sa susunod na henerasyon.
Kasabay ng panawagan ang nararanasang matinding pagbaha sa bansa na bukod sa hindi tamang pagtatapon ng basura at pagkasira ng kalikasan ay nababalot din ng katiwalian ang ilang proyekto ng pamahalaan kaugnay sa flood control na pinondohan ng bilyong pisong halaga.