Teknolohiya at Pagmamahal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total reads

Isa sa mga mahalagang aspeto ng ating pagkatao ang tahasang naapektuhan ng teknolohiya. Ito ay ang ating kakayahang makaramdam para sa iba, ang makiramay sa ating kapwa.

May mga pag-aaral na nagpapakita na dahil sa ating pagkatutok sa ating gadgets, hindi na tayo masyado naapektuhan ng mga masasakit na sitwasyon o pangyayari sa ating paligid. Nagiging mababaw na ang ating pang-unawa at pakiramdam sa ating buhay o sa buhay ng ating kapwa.  

Ayon nga sa libro na Alone Together: Why We Expect More from Technology and Less from Each Other, binabago ng teknolohiya ang ating pakikipagkapwa. Konektado man tayo ng teknolohiya, pero kulang naman sa lalim ang ating pakikisalamuha. Nag-me message man tayo sa isa’t isa, ngunit ang ating atensyon ay hati. Karaniwan, hindi lang iisa ang ating sabay na kausap online hindi ba, at habang tayo ay nagme-message, sinasabay din natin ang pagbabasa sa trabaho, o pag-e-email. Sabay sa ating buhay teknolohiya, nasa background din natin ang ating tunay ba buhay. May mga tao din sa ating paligid na kailangan din ng ating atensyon. Kaya nga hindi kataka-taka kung bakit kahit naka-upo ang tayo maghapon, pero pagod na pagod tayo araw araw. Pagod ang ating isip, pagod din ang ating puso.

Ang problemang ito, kapanalig, ay kailangan nating harapin. Ang ating bayan ang isa sa nangunguna pagdating sa gadget at social media use sa buong mundo. Tinatayang mahigit sampung oras ang ginugugol ng mga Filipinong may edad 16 hanggang 64 years old kada araw
sa internet. Apat na oras dito ginugugol ng marami sa social media. Malinaw na babad tayo dito, at maaaring ito na ang isa sa pangunahing means o paraan natin para makipag-kapwa.

Kapanalig, hindi masama ang social media, kaya lamang, hindi nito kailan man mapapalitan ang tunay at personal na pakikipag-kapwa. Ngayon  marami tayong nakikita na nagbabahagi ng kanilang mga dinaranas na problema online, at  para sa nagbabahagi nito, inaasahan na may tunay na makikiramay sa kanila. Marami rin sa mga netizens naghahanap ng kaibigan o ‘ka-ibigan’ online. Marami ang bigo makahanap ng karamay o kasama. Marami ang naalipusta pa o nabu-bully online dahil sa pagbabahagi ng kanilang nararamdaman.

Dahil sa babad natin sa internet at social media, bulag na rin tayo sa social ills sa ating paligid. Hindi na tayo naantig sa maralita o pulubi, numero na lamang ang tingin natin sa mga naapektuhan ng sakuna, game o laro na lamang ang tingin natin sa giyera.

Mapapatunayan at mas mapapalalim pa natin ating koneksyon kung tayo ay magkakasama at buo ang atensyon sa isa’t isa. Ang internet ngayon, malaki man ang tulong sa atin, ay maari ring makapurol ng ating kakayahang tunay na makiramdam at magmahal sa isa’t isa. Kaya’t nararapat kapanalig, na ating suriin at pagnilayan ang ating pag-gamit ng teknolohiya. Ang ating Pope Francis ay minsang nanawagan ng reporma sa ating pag-gamit sa teknolohiya. Anya “it is clear that technology can be a tool for good, and truly it is a tool for good, which permits dialogues such as this one, and many other things, but it can never replace contact between us. It can never substitute for a community in which we can be rooted and which ensures that our life may become fruitful.”

Sumainyo ang Katotohanan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 15,433 total reads

 15,433 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 96,896 total reads

 96,896 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 130,345 total reads

 130,345 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 165,644 total reads

 165,644 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 391,656 total reads

 391,656 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 15,434 total reads

 15,434 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 96,897 total reads

 96,897 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 130,346 total reads

 130,346 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 165,645 total reads

 165,645 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top