Tingnang positibo ang muling magpapaliban ng Barangay election

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 510 total reads

Nararapat na tingnan sa positibong pananaw ang muling pagpapaliban sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ito ang apela ni Rev. Fr. Conegundo Garganta – Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth kaugnay sa opisyal na pagpapaliban sa Barangay at SK Elections sa ilalim ng Republic Act No. 10952 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-2 ng Oktubre.

Ayon sa Pari, dapat na tanggapin at ituring na isang opurtunidad ang muling pagpapaliban sa halalang pambarangay upang mas maayos na mapaghandaan ito partikular na ang SK Elections para sa susunod na taon.

“Sana po itong pormal at opisyal na pasya tungkol sa pagpapaliban ukol dito (sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections) sana po ay matanggap ng mga taong may bahagi o gampanin na ito bahagi o paraan ng pagsisikap na isaayos ang katayuan o kalagayan ng SK Election at lahat ng may mga kaugnayan sa paghahanda”. pahayag ni Fr Garganta sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nga nito mula ng maipasa ang Anti-Dynasty Probation bilang bahagi ng SK Reform Law noong 2016 ay hindi pa ito tuluyang naipatutupad dahil sa dalawang beses na pagpapaliban sa halalang pambarangay.

Nasasaad sa bagong SK Reform Law na maaari lamang tumakbo para sa katungkulan ay ang mga may edad 18 hanggang 24-taong gulang kung saan bahagi ng Certificate of Candidacy na lalagdaan partikular ng mga SK candidates ang pagtiyak na wala silang kamag-anak sa mga halal na opisyal na maaaring maging batayan ng posibleng diskwalipikasyon.

Matatandaang una nang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco sa isinagawang World Youth Day sa Krakow, Poland na sa tulong ng katapangan, kakayahan at kaalamang taglay ng mga kabataan ay mas mabibigyang pag-asa ang kasalukuyang lagay ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 54,848 total reads

 54,848 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,259 total reads

 134,259 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,704 total reads

 167,704 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,002 total reads

 203,002 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,333 total reads

 427,333 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top