Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tiwala sa totoong balita

SHARE THE TRUTH

 219 total views

Mga Kapanalig, para kay Pope Francis, ang pagiging mamamahayag ay isang “noble profession” o marangal na propesyon dahil kaakibat nito ang pakikinig sa katotohanan at paghahatid nito sa publiko.

Ngunit lumabas sa Reuters Institute Digital News Report na dito sa Pilipinas, batid ng karamihan sa atin ang pambabatikos sa mga naghahatid ng balita. Nasa 91% ng mahigit dalawanlibong Pilipinong lumahok sa survey ang nagsabing nakabasa o nakarinig sila ng mga pambabatikos sa mga news media at mga mamamahayag. Halos kalahati sa kanila o 46% ang nagsabing kasama ang mga pulitiko sa mga nagpapalaganap ng pagdududa sa mga mamamahayag at news media. Hindi nalalayo ang karanasan nating ito sa Amerika at Mexico. Kasama rin daw sa mga bumabatikos sa mga lehitimong mamamahayag ang mga celebrities at influencers. Nasa 41% ng mga respondents ang nagsabi nito.  

Ayon pa sa report, magkaugnay ang pambabatikos na ito sa mga mamamahayag sa bumababang tiwala ng publiko sa media sa Pilipinas. Ibig sabihin, kung matindi ang pambabatikos sa media, hindi ganoong kalaki ang tiwala ng tao sa mga miyembro nito. Ang overall trust natin sa balita ay nasa 38% lamang, mas mababa pa sa global average na 40%. Katumbas ito ng halos apat lamang sa sampung Pilipino. Ang mga Pilipinong edad 35 pababa ay mas malamang na magsabing maaaring hindi nila pagkatiwalaan ang balita.  

Sinasalamin naman ng mababang tiwalang ito sa balita ang bumababang interes ng mga Pilipino sa balita. Marami sa atin ang umiiwas nang makinig sa balita at nag-iingat na pag-usapan ang pulitika, sa online man o offline. Nasa 89% ng mga Pilipino ang umiiwas sa mga tinatawag na “hard news” o mga balitang tungkol sa pulitika at katarungang panlipunan o social justice. May mga hindi na nagbabasa ng mga balitang maaaring makapagpalungkot o makapagpabalisa sa kanila. 

Nakababahala ang mga datos na ito. Ang mga mamamahayag na nasa mga lehitimong organisasyon ay nag-aral ng maraming taon at dumaan sa matinding pagsasanay upang maghatid ng totoong balita. Ngunit dala na rin ng paninira sa kanila, binabalewala na rin natin ang katotohanang nais nilang ipabatid sa atin. Samantala, nagiging sources na ng impormasyon at maging ng balita ang mga social media influencers na hindi dumaan sa mahigpit na prosesong humasa sa mga lehitimong mamamahayag. 

Tayong mga Katoliko ay may tungkuling laging kumilos patungo sa katotohanan, igalang ito, at maging responsableng saksi nito. Pinahahalagahan iyan sa ating katesismo at mga panlipunang turo ng ating Simbahan. Ang paglihis sa katotohanan, wika nga sa Mga Kawikaan 12:22, ay kinamumuhian ng ating Panginoon. Kaya ang pagbatikos sa mga mamamahayag, lalo na kung ang layunin nito ay pagtakpan ang paglabas ng kung ano ang totoo at tama, ay masasabi nating malaking hadlang sa pagtungo natin sa katotohanan.  

Mas nakababahala pang ang mga taong nasa poder—ang mga pulitikong nagpapatakbo ng gobyerno—ay nangunguna pa sa paninira sa mga lehitimong mamamahayag. Hindi lamang nila ito ginagawa sa pamamagitan ng kanilang mga sinasabi. Minsan pa nga, nasa likod pa sila ng mga banta sa buhay ng mga naghahatid ng balita lalo na kung hindi ito pabor sa kanila. Mula nga noong nagsimulang umupo sa puwesto si Pangulong Bongbong Marcos Jr, hindi bababa sa 75 kaso ng pagbabanta at pag-atake sa mga mamamahayag ang naitala.5 Marami sa kanila ang iniuugnay pa sa mga grupong itinuturing na kalaban ng gobyerno kahit wala namang matibay na ebidensya. 

Mga Kapanalig, ang mababang tiwala nating mga Pilipino sa balita ay hindi sana humantong sa lubusang pagiging bulag at bingi natin sa tunay na nangyayari sa ating bayan. Kung ito ang mangyayari, hindi natin malalamang may mas magandang kalagayan pa tayong maaaring marating. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 23,682 total views

 23,682 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 31,163 total views

 31,163 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 44,303 total views

 44,303 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 50,276 total views

 50,276 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 56,029 total views

 56,029 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 23,683 total views

 23,683 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 31,164 total views

 31,164 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 44,304 total views

 44,304 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 50,277 total views

 50,277 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 56,030 total views

 56,030 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,806 total views

 41,806 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,890 total views

 42,890 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,271 total views

 38,271 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,275 total views

 50,275 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,317 total views

 58,317 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,874 total views

 49,874 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,299 total views

 48,299 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,085 total views

 50,085 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,010 total views

 47,010 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,324 total views

 61,324 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top