Ibalong festival, ipinagpaliban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,262 total views

Ipagpapaliban muna ng Legazpi City Government ang 2023 Ibalong Festival bunsod ng patuloy na banta ng pagsabog ng bulkang Mayon.

Ayon kay Ibalong Executive Committee chairman, Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal, napagkasunduan ng kalupunan na ipagpaliban muna ang pagdiriwang na gagaganapin sa August 11 hanggang 20, para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Sinabi ng alkalde na alinsunod sa deklarasyon ng state of calamity sa buong lalawigan ng Albay, ang pondong nakalaan sa Ibalong Festival ay gagamitin bilang karagdagang tulong sa mga apektado ng sakuna.

“With the Province of Albay under a State of Calamity, the funds intended for the 2023 Ibalong Festival will be used to ensure that the City Government will have enough resources to cater to the needs of our constituents should the worst possible scenario occur.” ayon kay Rosal.

Ang Ibalong festival ay isang cultural, historical at sports festival upang ipagdiwang ang pagkakatatag ng Bicol na nakapaloob sa epiko ng Ibalong na nilikha bago ang pananakop ng mga kastila.

Karaniwang bahagi ng pagdiriwang ang Mayon Trail Run na isinasagawa sa bahagi ng Mayon Volcano partikular na sa gullies o kanal na dinaanan ng lava mula sa mga nakalipas na pagsabog ng bulkan.

Bagamat magandang pagkakataon upang muling maranasan ang kasiyahan sa taunang pagtitipon, iginiit ni Rosal na hindi dapat isantabi ang kaligtasan ng lahat mula sa pinangangambahang pagsabog ng Bulkang Mayon.

“Let us all remain vigilant and steadfast in praying that we overcome this crisis as one community.” ayon kay Rosal.

Batay sa huling ulat ng PHIVOLCS, nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon kung saan naitala ang mabagal na pagdaloy ng lava na may habang 2.5 kilometro sa Mi-isi Gully, at 1.8 km sa Bonga Gully, habang umabot naman sa 3.3 km ang pagguho nito.

Maliban dito’y naiulat din ang isang volcanic earthquake, 301 ang rockfall events, at dalawang pyroclastic density currents.

Sa kasalukuyan, umabot na sa halos 20-libong indibidwal ang nailikas mula sa 6-kilometer permanent danger zone at nanunuluyan sa 25 evacuation centers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 20,812 total views

 20,812 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 43,964 total views

 43,964 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 114,078 total views

 114,078 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 188,692 total views

 188,692 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 267,273 total views

 267,273 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top