Tiyakin ang kaligtasan ng kabataan sa paggamit ng internet, apela ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 924 total reads

Mahalaga ang pakikibahagi ng bawat isa at ibat-ibang sektor upang matiyak na ligtas ang mga kabataan sa kanilang paggamit ng internet.

Ito ang mensahe ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) Chairman Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa nalalapit na paggunita sa February 08 ng ‘International Safer Internet day for Children’.

“Pangalagaan at tulungan natin ang ating mga kabataan. Marami sa kanila ang nahihirapan ngayon. Subalit sila (the children and youth) ang kinabukasan at ang kasalukuyan,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Alarcon, ang pagtutulungan ng bawat mamamayan upang matiyak na ligtas ang kabataan sa internet ay higit na kinakailangan sa makabagong panahon.

Ito ay dahil narin sa mga banta ng ibat-ibang uri ng pang-aabuso na maaring isagawa ng masasamang loob na ginagamit ang internet upang makapang-biktima.

“kailangan ang pagtutulungan upang labanan ang mga panganib at mga banta sa kapakanan ng mga kabataan at ikakapahamak nila– tulad ng online child abuse and child pornography, trafficking, addiction,at iba pa. Sa katunayan, hindi lamang ang mga kabataan ang naapektuhan nito, kundi ang lahat,” ani Bishop Alarcon.

Kinilala rin ng Obispo ang Inisyatibo ng Department of Welfare and Social Development (DSWD) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Internet Service Providers at Local Government Units upang palawigin ang mga impormasyon at pag-aaral na maaring makatulong sa pangangalaga sa kapakanan ng mga kabataan.

Ito ay alinsunod sa saligang batas ng Pilipinas kung saan pinapangalagaan at kinikilala ang inisyatibong makakatulong sa development at pagiging bahagi ng mga kabataan sa lipunan.

“Nakabatay sa tungkulin ng Estado na pangalagaan at isulong ang kapakanan ng mga kabataan, i.e., ‘The State recognizes the vital role of the youth in nation building and shall promote and protect their physical, moral, spiritual, intellectual and social well-being.’ (Section 13, Article II, 1987, Philippine Constitution)

Tama at kailangan ang pagtutulungan ng mga sangay ng pamahalaan, tulad ng DILG, DSWD at mga lokal na pamahalaan upang sikaping mapangalagaan ang ating mga kabataan,” pagbibigay diin ng Obispo.

Ngayon taon ay ginugunita ng DILG at DSWD ang temang “Click, Respect, Connect – CRC Next Level: Ligtas na Ugnayan Online.” na magsusulong ng mga adbokasiya at wastong palalawigin ang mga paksang tumatalakay sa Safer Internet Day for Children.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 248,683 total reads

 248,683 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 280,396 total reads

 280,396 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 382,222 total reads

 382,222 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 422,783 total reads

 422,783 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 432,876 total reads

 432,876 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 24,933 total reads

 24,933 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top