VeritasPH

The Word, The Truth

Totoong pagkakaibigan ng mga bansa

SHARE THE TRUTH

 147 total views

Mga Kapanalig, wika nga sa Levitico 19:18, “Huwag kayong gumanti ng masama o magtatanim ng galit sa inyong kapwa, kundi mahalin ninyo siya gaya ng inyong sarili.” Ito ang madalas nating naririnig na paalala sa mga pagkakataong mayroon tayong hindi pagkakaintindihan sa iba o nakakasamaang-loob.

Ito rin marahil ang mensaheng nais iparating ni Congresswoman Lucy Torres ng Leyte sa isang panayam sa kanya tungkol sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Kinikilala ng kongresista ang pagkapanalo natin sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong 2016, kung saan pinapawalambisa ng inilabas na ruling ang pag-angkin ng China sa buong South China Sea. Pinagtibay nito na ang mga katubigan at islang nasa tinatawag na continental shelf ng Pilipinas, katulad ng Scarborough Shoal (o Bajo de Masinloc), ay nakapaloob sa ating exclusive economic zone (o EEZ).

Tinawag din ng kongresista ang China bilang “biggest bully” ngunit isang kaibigan din, isang “bully-friend”. Inihalintulad niya ang China sa isang bully sa paaralan na maituturing din namang isang kaibigan kung makikita lamang ang kanyang kabaitan o “good side.” Sa halip na makipag-away sa bully na malinaw naman daw na mas malaki at mas malakas, “you appeal to his good side” daw para hindi ka na i-bully.

Ang ganitong mga salita ng kongresista ay, sa isang banda, nagtataguyod ng pag-iwas sa karahasan, bagay na kasang-ayon naman sa prinsipyo ng kapayapaang pinapahalagahan natin sa Simbahan. Minsan ngang sinabi ni Pope Francis na hindi kailanman magbubunga ng kapayapaan ang paggamit ng karahasan. “War begets war, violence begets violence,” pagbibigay-diin ng Santo Papa.

Ngunit balikan natin ang mga salitang binanggit natin sa simula ng ating editoryal ngayon. Sa pangalawang bahagi ng pangungusap mula sa aklat ng Levitico, ipinapaalala sa ating ang pagmamahal natin sa ating kapwa, maging sa mga umaaway sa atin, ay kailangang katulad ng pagmamahal din natin sa ating sarili. Sa madaling salita, magiging tunay lamang ang pagmamahal natin sa ating kapwa kapag minamahal din natin ang ating sarili. At ang pagmamahal sa sarili ay hindi makakamit kung mababa ang pagpapahalaga natin sa ating sarili, kung mahina ang tingin natin sa ating kakayanan, at kung iniisip nating wala tayong kakayahang panindigan ang tama at nararapat para sa atin.

At ganito rin ang kailangang umiral kung tunay na pagkakaibigan ang nais nating magkaroon sa pagitan ng mga bansa. Respeto sa isa’t isa ang batayan ng tunay na pagkakaibigan, at hindi ito maibibigay sa atin ng isang bansang itinuturing nating bully kung ang tingin natin sa ating sarili ay biktima lagi ng mas malalaki at malalakas na bansa.

Hindi natin sinasabing makipaggiyera tayo sa isang bansang kasinlaki at kasinlakas ng China, ngunit bigyan din natin ang ating bayan ng pagkakataong manindigan para sa kung ano ang nararapat sa atin. Sa isyu ng West Philippine Sea, ito ay ang karapatang linangin ang mga biyayang matatagpuan sa mga isla at karagatang tayo ang karapat-dapat mangasiwa batay na rin sa mga pandaigdigang patakaran. Masasabi ba nating mahal natin ang ating sariling bayan kung pikit-mata nating hinahayaang itaboy ng mga dayuhan ang mga kababayan nating mangingisda? Mahal ba natin ang Pilipinas kung wala tayong ginagawang paraan upang pigilan ang pagpapatayo ng mga iligal na istruktura sa mga islang dapat pakinabangan ng lahat?

Mga Kapanalig, gaya rin ng sinabi sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, maging ang mga bansa ay inaanyayahang pairalin ang pagkakapatiran. At nangangailangan ito ng isang mas mabuting uri ng pulitika, isang pulitikang nagtataguyod ng kabutihang panlahat o common good. Ngunit kung ang pulitikang ito ay lantarang ginagawang dehado ang ating sariling bayan, interes ng malalaki at malalakas na bansa ang mangingibabaw.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,494 total views

 6,494 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 14,030 total views

 14,030 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 30,016 total views

 30,016 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 38,061 total views

 38,061 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 43,141 total views

 43,141 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 6,495 total views

 6,495 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 14,031 total views

 14,031 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 30,017 total views

 30,017 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 38,062 total views

 38,062 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 43,142 total views

 43,142 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,394 total views

 43,394 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,180 total views

 45,180 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,105 total views

 42,105 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,419 total views

 56,419 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,109 total views

 60,109 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,712 total views

 58,712 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,699 total views

 68,699 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,667 total views

 72,667 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,554 total views

 83,554 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,993 total views

 95,993 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top