248 total views
Pagbabalik sa tradisyon at pagdarasal ang isa sa mensahe ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng Fatima Apparition.
Ito ay ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, kung saan nakatakda ding dumalaw ang pilgrim image ng Our Lady of Fatima sa ika-19 hanggang ika-22 ng Mayo at lilibot sa limang simbahan sa lalawigan.
Paliwanag ng Obispo, ang imahe ay hindi lamang para ipakita sa mga tao, kundi bilang pagpapaalala sa pananampalataya lalo na yung mga nakakalimot sa Diyos.
Ayon pa kay Bishop Bastes, hangad din niyang ang pagdalaw ng imahe ng Fatima ay magpapaigting ng debosyon sa Mahal na Ina at pagdarasal ng rosaryo na isa sa pakay ng pagpapakita ng Mahal na Birhen sa tatlong pastol 100 taon ang nakalipas.
“We return from traditional practices which somehow we forgotten in the last years and that is what we are trying to infill in the people in this Month of May, ofcourse we still have flores de Mayo… children and adult giving flowers to Our Lady but this year the 100 anniversary of Fatima we increase on this, the to people return to God. Repentance, penance and people to sacrifice and back to prayer and also to be more spiritual because people become too worldly na,” ayon kay Bishop Bastes.
Ipinagmamalaki rin ng Obispo ang pagiging maka-Inang Maria ng Pilipinas bilang ‘Pueblo Amante de Maria’, lalot karamihan sa mga parokya sa buong bansa ay nakatalaga sa Mahal na Ina.
Ang Pilipinas ay binubuo ng 86 diyosesis at arkidiyosesis, kung saan higit sa 10 ang matatagpuang pambansang dambana ng Mahal na Ina.
Read:
Pagbabahagi at pagbibigay buhay, katangian ng bawat Ina