‘Utang na loob’, hindi batayan sa pagbibigay ng posisyon sa gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 358 total reads

Maituturing na patronage politics ang umiiral sa pamahalaan kung pagbabatayan ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kayang dahilan sa pagtatalaga sa ilang mga personalidad na sumuporta sa kanya noong halalan para magkaroon ng posisyon sa pamahalaan.

Ayon kay Professor Roland Simbulan, Vice-Chairman ng Center for People Empowerment in Governance (CENPEG) sa kabila ng karapatan ni Pangulong Duterte bilang Pangulo na magtalaga ng mga opisyal na maglilingkod sa iba’t ibang sangay o kagawaran ng pamahalaan ay hindi naman nararapat ibatay sa utang na loob.

Paliwanag pa ni Simbulan sa halip ay dapat pag-aralan at ibatay ito sa kakayahan, kahandaan at kaalaman ng mga ito sa mga posisyon sa pamahalaan kung saan itatalaga.

“Prerogative niya yun kasi he has the appointing power pero ang dapat na maging batayan yung competence at track record nung tao lalo na dun sa posisyon na yun, kahandaan niya, preparation pa niya at background niya doon sa posisyon na yun, kung utang na loob ang pinag-uusapan lalo na sa kampanya parang patronage, yun yung patronage politics yun kasi kung ang binibigyan mong pabor yung mga sumuporta sayo, hindi maganda yun kasi dapat ang basis ay competence…” ang bahagi ng pahayag ni Simbulan.

Ayon pa kay Simbulan, kung ang tanging pagbabatayan lamang sa pagtatalaga ng mga opisyal ng bayan ay ang mga sumuporta sa isang kandidato noong panahon ng halalan, tanging ang mga mayayaman at mga negosyante lamang ang may opurtunidad na magkaroon ng posisyon dahil sa lawak ng makinarya ng mga ito na tumulong sa panahon ng kampanya.

Batay sa tala ng Office of the President, binubuo ng nasa 46 ang bilang ng Regular Cabinet Members ang Administrasyong Duterte bukod pa sa mga Cabinet-Rank Officials ng Administrasyon.

Bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan sa pulitika ang seryoso at kawalan ng sariling interes ng bawat opisyal sa posisyon at kapangyarihan upang mapaglingkuran ang taumbayan ng tapat at dalisay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 16,736 total reads

 16,736 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 51,274 total reads

 51,274 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 87,756 total reads

 87,756 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 105,968 total reads

 105,968 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 189,441 total reads

 189,441 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top