Rehabilitation sa mga nasirang kapaligiran, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 404 total reads

Accountability at social responsibility ang panawagan ng Diocese of Balanga, Bataan sa mga kumpanya ng Coal Fired Power Plant sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, dapat may Corporate Social Responsibility ang mga kumpanya ng planta, dahil sa pinsalang idinudulot nito sa kalikasan at sa mamamayan.

Dagdag pa ng Obispo, bagamat nakapagbibigay ng hanapbuhay ang pagbubukas ng mga planta, ay mahalagang magkaloob din ang mga Coal Plant Companies ng alternatibong trabaho na hindi nakasisira sa kalikasan.

“Dapat meron ding Social Corporate responsibility na naibibigay sa tao, ang aming alam ang naibibigay lang ay yung trabaho sa Coal Plant at yun lang taxes na binabayad sa Gobyerno,” bahagi ng pahayag ni Bp. Santos sa programang Barangay Simbayanan.

Iginiit pa ng Obispo, na dapat mayroong rehabilitation programs para sa kapaligiran, dahil aniya handa namang tumulong ang mamamayan ng Bataan upang mapanumbalik ang kaayusan sa kanilang kapaligiran.

“Maganda na kung saan meron silang binibigay at binabayad sa kalikasan merong rehabilitation at pagtutulungan, at ito ang dapat nilang bigyang pansin, kaya kami nananawagan ng accountability at responsibility mula sa kanila,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Sa kasalukuyan mayroon nang limang iba’t ibang planta na nakatayo sa Bataan, ito ang Refinery Solid Fuel Fired Power Plant, San Miguel Global Power, Panasia Power Plant, GN Power Plant at Bataan Oil Refinery.

Iminungkahi naman ni Pope Francis, sa encyclical nitong Laudato Si ang pag-gamit sa renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga Coal Fired Power Plants na nakasasama sa kalikasan.

Read:
Likas na kagandahan ng Bataan, hindi matutumbasan ng kayamanan-Bishop Santos

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 15,869 total reads

 15,869 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 50,481 total reads

 50,481 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 86,963 total reads

 86,963 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 105,175 total reads

 105,175 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 188,689 total reads

 188,689 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,536 total reads

 378,536 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top