Transpormasyon sa Agrikultura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 777 total reads

Kung naalala niyo kapanalig, noong nakaraang taon, halos masikil sa hirap ang sektor ng agrikultura dahil sa biglaang lockdown na pinatupad sa ating bansa. Ang kanilang mga ani ay hindi nila maibenta sa mga merkado at nagbunsod sa pagkalugi ng maraming magsasaka.

Kapanalig, kailangan nating maalagaan ang sektor ng agrikultura. Ito ay kritikal sa katiyakan sa pagkain sa bansa. Ito rin ay isa mga daan tungo sa makabuluhang poverty reduction sa bansa. Taon-taon na lamang, ang mga magsasaka at mangingisda ang laging pinakamahirap sa bansa. Nasa 34% ang poverty incidence sa kanilang hanay nitong 2015.

Ngayon kapanalig, aray ng aray ang ating mga kababayan sa sektor ng agrikultura. Bumabaha ang mga exports sa merkado at ang kanilang produkto, may COVID man o wala, ay nalulugi. Mas mura lagi ang ang presyo ng exports dahil sa dami ng suplay, habang ang mga produkto natin, dahil sa mahal ng raw materials at gamit sa produksyon, mahal ang nagiging presyo.

Kapanalig, tunay na kailangan ng transpormasyon sa agrikultura sa bansa. Bago pa man magka-pandemic, ang paglago sa sektor na ito ay matamlay – mula 2016 hanggang 2019, nasa 1.3% lamang ito.



Kung nais nating tunay mawaksi ang kahirapan sa bansa, kailangan natin bigyan ng atensyon ang sektor ng agrikultura. Ang dami nilang pangangailangan na hindi natin napupunan. Gaya na lamang ng tulong sa lupa – maraming mga taniman sa bayan ang naco-convert na sa mga residensyal na lupa, at paliiit na ng paliit ang mga sakahan. Maaring maconsolidate o mapagsama-sama ito sa ilalim ng samahan ng mga magsasaka o kooperatiba upang kumita naman ang mga maliliit na magsasaka. Kaya lamang, hirap makipagtunggali sa mga ahensyan o korporasyon na may interes sa lupa.

Ang isa pang problema ay ang irigasyon. Laging below expectations ang performance ng irigasyon sa atin. Kulang ang tubig, may problema sa disenyo, at hirap sa maintenance ang ilan sa problema natin sa aspetong ito. Panahon na upang matugunan din ito.

Kapanalig, kailangan ng malawakang transpormasyon sa agrikultura kung nais natin na tunay na maiwaksi ang kahirapan sa bansa. Ayon nga sa Evangelii Gaudium, “We can no longer trust in the unseen forces and the invisible hand of the market.” Kung nais natin ng tunay na hustisya, kailangan natin ng mga desisyon, programa, at mekanismo na nakatuon sa tunay at makatarungang distribusyon ng kita, ang paglikha ng trabaho, at ang tunay pagsulong sa kapakanan ng maralita. Kung hindi natin gagawin ito, lagi na lamang nasa laylayan ang magsasaka at mangingisda.

Sumainyo ang Katotohanan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 55,820 total reads

 55,820 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 107,829 total reads

 107,829 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 228,409 total reads

 228,409 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 278,766 total reads

 278,766 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 403,609 total reads

 403,609 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 107,830 total reads

 107,830 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 228,410 total reads

 228,410 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 278,767 total reads

 278,767 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »
Scroll to Top