Truth hurts but fake news kills

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 329 total views

Ang kasinungalingan ay nakamamatay.

Ito ang binigyang diin Rev. Fr. Jerome Secillano–Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Permanent Committee on Public Affairs sa patuloy na paglaganap ng “fake news” o mga maling balita at impormasyon sa lipunan.

Ayon sa Pari, kung ang katotohanan ay nakakasakit ang kasinungalingan naman ay nakamamatay sapagkat mas malaki at malawak ang epekto ng panloloko at panglilinlang kumpara sa paglalahad ng katotohanan.

Paliwanag ni Fr. Secillano, dahil sa paglaganap ng fake news sa lipunan ay mas naaangkop na tanging sa salita lamang ng Diyos magtiwala ang mananampalataya sapagkat ito lamang ang mananatiling totoo dahil ang Diyos ang katotohanan na dapat kapitan at paniwalaan ng sanlibutan.

“Yung emphasis sa fake news, paano ba magiging fake ang salita ng Diyos? Ang Diyos ay Diyos ng Katotohanan, kaya kung yung Simbahan ay nagbabahagi ng salita ng Diyos, ang ibinabahagi ng Simbahan ay katotohanan, ngayon ang katotohanan ay medyo masalimuot din kasi maaring may masagasaan, may maapektuhan ika nga ‘truth hurts’ pero kapag may Fake News, kapag may kasinungalingan, Lies Kill…”pahayag ni Fr. Secillano sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, lumabas sa pinakabagong Digital 2018 report ng London, United Kingdom-based consultancy na We Are Social na nangunguna pa rin ang Pilipinas sa social media usage sa buong mundo kung saan umaabot sa 9 na oras at 29 na minuto kada araw ang ginugugol ng nasa 67-milyong internet users sa bansa.

Malaking porsyenoto nito ay may social media account na ginagamit para magpost at magshare ng mga impormasyon.

Samantala, nauna ng hinamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang bawat isa na labanan ang Fake News sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng good news o ang mabuting balita ng Panginoon sa pagsasabuhay dito hindi lamang sambitin at ipalaganap kundi ipakita sa gawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 86,868 total views

 86,868 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 86,868 total views

 86,868 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 86,868 total views

 86,868 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 84,241 total views

 84,241 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 76,919 total views

 76,919 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top