VeritasPH

The Word, The Truth

 804 total views

Homiliya para sa Biyernes ng ika-5 Linggo ng Karaniwang Panahon, Paggunita sa Birhen ng Lourdes, 11 Pebrero 2022, Mk 7:31-37

Madalas malimutan ng marami na sa bayan ng Lourdes sa France, hindi naman nagpakita si Mama Mary kay Bernadette para tumawag pansin sa sarili niya. Ang itinatawag niya ng pansin ay ang bukal. Ginabayan niya ang dalaga upang dalhin ito sa sibol, na walang iba kundi ang anak niya, ang Anak ng Diyos, ang tunay na sibol ng buhay.

Di ba nasabi ni Hesus ito sa babaeng Samaritana ayon sa kuwento ni San Juan? “Ang iinom ng tubig na ito ay hindi na muling mauuhaw. Ito’y magiging bukal sa loob niya, babalong at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.”

Naging isang palaisipan ito para sa Samaritana. Itong taong lumapit sa kanya na nauuhaw at nakikiinom ng tubig, at ni walang pansalok na timba sa balon, siya pa ngayon ang biglang nag-aalok sa kanya ng kakaibang tubig na hindi na kailangang salukin kundi kusa daw na dumadaloy.

Ang akala siguro ng babae kinukutya siya ni Hesus dahil ayaw niyang ipahiram ang kanyang timba upang painumin siya. Kasi magkaiba sila ng relihiyon at paniniwala. Ganyan talaga ang idinudulot ng mga hidwaan. Nawawalan na tayo ng malasakit sa isa’t isa dahil sa mga pagkakaiba natin ng pananaw.

Pero ang punto ng Panginoon ay, ang tao parang timba rin. Pilit na sumasalok ng biyaya pero lagi namang nauubusan. Nauuhaw at bumabalik-balik para sumalok na muli. Hindi niya alam ang madalas niyang nasusumpungan na mga balon at pinag-iigiban ay may tubig na nakalalason at lalo pang nakakauhaw.

Kaya nasabi niya, “Ang iinom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na muling mauuhaw. It’y magiging bukal sa loob niya, babalong at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.” Hindi ba tayo interesado sa ganoong klase ng tubig?

Doon sa simbahan ng Dauis sa Bohol, sa paanan mismo ng santuario ay may balon at sariwang tubig, kahit nakapalibot sila ng dagat at tubig na maalat. Parang magandang talinghaga na ang pagpasok sa simbahan, ang paglapit sa Panginoon ay walang ipinagkaiba sa pag-iigib ng pamatid sa ating espiritwal na pagkauhaw. Ngayon mismo ginagawa ninyo ito. Parang balon din ang santuaryong ito—mula dito’y bumubukal ang Salita ng Diyos na siyang tanging makapapawi sa ating pagkauhaw.

Pero ang susing salita sa araw na ito na tinatawag nating “World Day of Prayer for the Healing of the Sick” ay EPHPHATA. Ito ang binigkas na salita ni Hesus sa taong bingi at pipi upang pagalingin siya. Ang ibig sabihin ng EPHPHATA ay, MABUKSAN KA!

Ang tunay na problema kasi natin ay hindi naman ang kawalan o kakulangan ng biyaya. Ang kagandahang loob ng Diyos ay umaagos naman daw na parang bukal, bumabalong ang tubig, ang biyaya niya ay hindi maampat. Kaya nga di ba nasabi pa ng anghel kay Maria, “Napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.”

Paano ka bang hindi mapupuno ng grasya kung ang Diyos na bukal ng buhay ay sumasaiyo? Pero iyon na nga ang problema. Madalas, kahit ang Diyos ay sumasaatin, tayo naman ay hindi sumasakanya. Para tayong umiigib sa poso pero ang timba ay nakalihis o malayo sa daloy ng tubig.

Minsan kahit pa tayo nagsisimba o nagdarasal, hindi natin alam na nalalayo na ang loob natin sa kanya. At sa hindi natin namamalayan, natutuyuan na tayo, namamatay na sa pagkauhaw ang ating mga kaluluwa.

Talagang hindi tayo maaaring mapunuan ng grasya kung hindi muna mabuksan ang ating mga puso at diwa. Narinig ninyo ang sabi ng ating Salmong tugunan: “Ang bayan ko’y nagsara ng kalooban, kaya hindi nila naririnig ang aking tinig. Hinayaan ko sila sa katigasan ng kanilang mga puso. Hindi ang kalooban ko kundi sarili nilang kalooban ang gusto nilang sundin.”

Maraming beses ko nang nasabi sa inyo na ang tunay nating kalaban dito sa mundo ay si Satanas. Siya ang nagliligaw sa atin. Pilit niya tayong inilalayo sa bukal ng buhay at nililinlang upang sumalok sa maling balon, hindi ng tubig ng buhay kundi ng tubig na nakalalason. Nililito niya tayo.

Parang pinaglalaro niya tayo ng HAMPAS PALAYOK. Siyempre pag pinaikot ikot ka at hilong hilo ka na, at sinisigawan ka pa ng maraming tinig at pilit nililigaw, hindi mo talaga mahahampas ang palayok para maiuwi ang biyaya. Ganyan na ngayon sa social media—nabibingi tayo sa maraming boses, nililigaw tayo, hanggang hindi na natin ma-distinguish ang tama sa mali, ang totoo sa hindi totoo.

May sikretong itinuro sa akin ang tatay ko noong bata pa ako, para manalo sa HAMPAS PALAYOK. Ang sikreto ay buksan ko daw mabuti ang tainga ko at kilalanin muna ang boses niya sa gitna ng maraming tinig. Sa kanya lang daw ako kukuha ang instruction—diretso, kanan, kaliwa, hampas, swak. Panalo.

Mga kapatid, kaya tayo dapat matutong manalangin. Alam kong pag nagdarasal tayo, nagsasalita tayo sa isip natin. Sinasabi natin sa Diyos ang hiling natin. Pero alam ninyo, ang mas mahalaga sa pananalangin ay hindi naman ang sasabihin natin sa Diyos kundi ang sasabihin niya sa atin. Kaya ang pananalangin ay nagsisimula sa pagbubukas ng puso upang makinig nang masusi sa kalooban ng Diyos, upang sumunod sa kanya, dahil hindi niya tayo ililigaw.

Ang panalangin ginagawang matalas ang kalooban natin sa pangingilatis upang hindi tayo mailigaw ng mga tinig ng kasinungalingan.

Si Jose Rizal na ating bayani isinulat niya ang kanyang nobelang NOLI ME TANGERE, isang palaisipan. Ibig sabihin, HUWAG MO AKONG SAILINGIN. Huwag mo akong hawakan, haplusin, o hipuin dahil may karamdaman ako. Ayaw kong masaktan dahil may sugat ako na nagnanaknak, punong puno ng nana sa loob. Ang bayan pala ang tinutukoy niya!

Pero ang punto niya, kung ibig natin gumaling o maghilom ang sugat ng bayan, kailangan talagang ipagalaw sa kamay ng duktor ang sugat at paoperahan ito. Kailangang mabuksan niya ang sugat upang umagos ang nanâ. Talaga namang kailangan munang masaktan kung minsan kung ibig nating gumaling. Kung kailan tayo takot masaktan, mas lalong lumalalâ ang ating sakit.

Bilang pangwakas, halawin natin ang inspirasyon natin sa salita ng Panginoon sa ikalawang aklat ng Cronica 7:14, “…kung ang bayan ko na aking tinawag ay matuto lamang na magpakumbaba, manalangin, dumulog sa akin, at tumalikod sa ginagawa nilang kasamaan, diringgin ko sila mula sa langit at patatawarin ko ang kanilang mga kasalanan, at pagpapalain ko silang muli. Padadaluyin ko ang biyaya sa kanilang lupain.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 2,117 total views

 2,117 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 9,653 total views

 9,653 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 25,639 total views

 25,639 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 33,684 total views

 33,684 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 38,764 total views

 38,764 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 25 total views

 25 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,781 total views

 2,781 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,197 total views

 7,197 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,523 total views

 2,523 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,046 total views

 3,046 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,545 total views

 4,545 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,389 total views

 5,389 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,644 total views

 3,644 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,857 total views

 7,857 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,090 total views

 7,090 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,302 total views

 11,302 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,750 total views

 4,750 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,754 total views

 4,754 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,754 total views

 4,754 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,746 total views

 4,746 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top