Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tugunan ang pagkagutom ng kapwa, panawagan ni Bishop Ongtioco

SHARE THE TRUTH

 3,088 total views

Kilalanin ang suliraning nararanasan ng kapwa upang mapukaw ang sarili na paigtingin ang pagtulong at mga inisyatibo na magtataas sa kalidad ng pamumuhay ng mga pinaka-nangangailangan sa lipunan.

Inihayag ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na nararanasan ng bawat mamamayan ang ibat-ibang uri ng ‘gutom’ sa kanilang buhay.

Ito ay ang pagkagutom sa pangangailangang espiritwal, katarungan, kaalaman, edukasyon, pagmamahal at pag-unawa nang kapwa.

Ipinagdarasal ng Obispo na mapukaw ang bawat isa na maging mapagmahal sa kapwa upang maintindihan ang kinalalagyang sitwasyon at maging tagapamagitan upang sama-samang makamit ang pagkakapantay-pantay at katarungang panlipunan.

“Sa paggunita natin ng World Food Day atin binibigyan ng pansin hindi lang pangkaraniwang pagkain sa mga nagugutom sa sikmura, marami pang ibang klaseng kagutuman, maraming tao ay gutom sa katarungan, sa kaalaman (kulang sa edukasyon), gutom sa pagmamahal, pangunawa at minimithi nilang magbago ang sitwasyon sa mundo. gutom din yung iba sa pagtanggap sa kanila bilang kapwa na dapat kilalanin din sila,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Ito ang mensahe ng Obispo sa paggunita ng World Food Day kung saan unang tiniyak ng Caritas Philippines ang pagsusulong ng food sovereignty.

Read: https://www.veritasph.net/food-sovereignty-tiniyak-ng-caritas-ph/

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 17,792 total views

 17,792 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 47,873 total views

 47,873 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 61,933 total views

 61,933 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 80,376 total views

 80,376 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Caritas Manila calls for donation

 15,414 total views

 15,414 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
1234567