Ihalal ang “eco-friendly” na kandidato, panawagan ng EcoWaste sa mga botante

SHARE THE TRUTH

 3,216 total views

Hinimok ng EcoWaste Coalition ang mamamayan na pagnilayang mabuti ang pagpili sa mga kakandidato sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa bansa.

Ayon kay EcoWaste Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, mahalagang matiyak ng publiko na ang susuportahan at ihahalal na kandidato ay mayroong tapat na pusong maglingkod sa mamamayan at mangangalaga sa kapaligiran.

Sinabi ni Tolentino na kasabay ng lumalalang krisis sa kapaligiran dulot ng climate change, polusyon, at pagkaubos ng mga likas na yaman, makatutulong na mapabilang sa plataporma ng mga kandidato ang pangangalaga sa kalikasan tulad ng pagtugon sa matagal nang suliranin sa plastic at basura.

“Candidates, in their strong drive to win, usually forget that they have a responsibility to ensure that campaign activities do not lead to the further degradation of our environment. We therefore ask all candidates, as well as their supporters, to be respectful of the environment and avoid practices that squander resources, generate trash and bring about pollution that can endanger the health and well-being of their constituents,” pahayag ni Tolentino.

Ginawa ng grupo ang panawagan sa labas ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila nitong Oktubre 17.

Binigyang diin ng EcoWaste ang mensaheng “Panalo ang bayan at kalikasan sa halalang walang basura” at “Vote for Mother Earth” bilang pagpapahayag ng pagnanais na magkaroon ng malinis at mapayapang eleksyon at kapaligiran.

Hinimok din ng grupo ang mga kandidato na sa pangangampanya ay gamitin lamang ang recyclable at non-toxic materials; isulong ang pag-iwas ang paggamit ng plastic; at sumunod sa wastong pagtatapon ng basura lalo na sa mga pagtitipon.

“The eco-friendly conduct of the synchronized elections for barangay and youth leaders will surely yield tangible benefits for Mother Earth, especially if resources are judiciously used and environmental pollution is avoided, among others,” ayon kay Tolentino.

Muli namang pinaalalahanan ng simbahan ang 67-milyong botante sa bansa sa matalinong paghalal sa mga susunod na lider alinsunod sa katangiang matapat, makatarungan at handang itaguyod ang kabutihan ng bawat mamamayan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Universal Health Care Law

 53,966 total views

 53,966 total views Accessible health care sa mga Pilipino…. Ito ang natatanging hangarin ng UHC law na ipinatupad limang taon na ang nakalipas. Ipinapangako ng UHC law ang accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas. Kapanalig, natatamasa mo ba ang benepisyong dulot ng UHC law? Nabuo ang UHC

Read More »

2024 Job Losses

 67,533 total views

 67,533 total views Nakakaalarma… Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong

Read More »

Baka makalusot

 63,143 total views

 63,143 total views Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan. Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad

Read More »

Banta ng red-tagging

 60,860 total views

 60,860 total views Mga Kapanalig, ihinto ang red-tagging!  Ito ang panawagan ng ilang mamamahayag at human rights groups matapos manindigan si Pangulong Bongbong Marcos Jr na hindi niya bubuwagin ang National Task Force to End the Local Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Ang red-tagging ay ang pagtatatak sa mga tao o grupong kritikal sa pamahalaan o nagsusulong

Read More »

Pakikilakbay sa mga mag-asawa

 65,121 total views

 65,121 total views Mga Kapanalig, “ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Ang mga salitang ito mula sa Mateo 19:6 ay ang pinakamadalas nating marinig sa tuwing lumulutang ang usapin tungkol sa divorce o diborsyo sa ating bansa. Ginagamit itong battlecry, ‘ika nga, ng mga tutol sa pagkakaroon ng batas na magpapahintulot sa mga

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Diocesan Social Action Centers, magtitipon sa Iloilo

 471 total views

 471 total views Muling magtitipon-tipon ang mga kinatawan mula sa 85-diocesan social action centers (DSACs) sa bansa upang talakayin ang iba’t ibang usapin at programa sa mga kinasasakupan. Ito ang 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) ng Caritas Philippines, na isasagawa mula June 17-21, 2024 sa Jaro, Iloilo City. Ang Jaro Archdiocesan Social Action Center

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Donation drive for Mt.Kanlaon evacuees, iinilunsad ng Caritas Philippines

 2,816 total views

 2,816 total views Umapela ng tulong ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mamamayang apektado ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental at Negros Oriental. Ayon kay Caritas Philippines executive director, Fr. Carmelo “Tito” Caluag, patuloy na nangangailangan ng tulong ang mga nagsilikas na residente dahil apektado na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Oratio Imperata, inilabas ng Obispo ng Bacolod

 5,333 total views

 5,333 total views Hinimok ni Bacolod Bishop Patricio Buzon ang mga mananampalataya na taimtim na manalangin para sa kaligtasan ng Negros Occidental at Negros Oriental mula sa epekto ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon. Ipinag-utos ni Bishop Buzon ang pag-usal ng Oratio Imperata pagkatapos ng Panalangin ng Pakikinabang sa bawat Banal na Misa sa mga parokya at

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kahinahunan at kahandaan, hiling ng Obispo sa mga apektado ng pagsabog ng bulkang Kanlaon

 6,981 total views

 6,981 total views Pinawi ni San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza ang pangamba ng mga residenteng naninirahan malapit sa bulkang Kanlaon sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental. Hinimok ng Obispo ang mga apektado ng pagsabog ng bulkang Kanlaon na maging mahinahon at patuloy na maging handa. Ayon kay Bishop Alminaza, ang sakuna ay

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

DSAC-San Carlos, tumulong sa evacuation ng mga apektado ng Mt. Kanlaon eruption

 7,126 total views

 7,126 total views Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Social Action Center ng Diocese of San Carlos, Negros Occidental (DSAC) sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island. Nabanggit sa unang situational report ng DSAC-San Carlos ang pakikipagtulungan ng simbahan sa mga lokal na pamahalaan ng Negros Oriental at Negros Occidental upang matiyak

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Paigtingin ang programa laban sa HIV,,hamon ng CBCP sa pamahalaan

 8,813 total views

 8,813 total views Nananawagan sa pamahalaan ang healthcare ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines upang higit pang paigtingin ang pagsusulong sa mga programa hinggil sa human immunodeficiency virus (HIV) at acquired immunodeficiency syndrome (AIDS). Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Healthcare executive secretary, Camillian Father Rodolfo Vicente Cancino, dapat na tutukan ng gobyerno partikular ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pabakunahan ang mga anak laban sa nakakahawang sakit, panawagan ng CBCP sa mga magulang

 9,425 total views

 9,425 total views Muling hinikayat ng health ministry ng simbahan ang mamamayan, lalo na ang mga magulang, na pabakunahan ang anak laban sa vaccine preventable diseases. Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare executive secretary, Camillian Fr. Dan Cancino, mahalagang mapabakunahan ang mga bata laban sa mga nakahahawang sakit upang magkaroon ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagbawi ng SMC sa pahayag na ihinto ang PAREX project, kinundena

 9,775 total views

 9,775 total views Mariing kinokondena ng Ilog Pasiglahin at iba’t ibang grupo ang binabalak ng San Miguel Corporation (SMC) na ituloy ang Pasig River Expressway (PAREX) Project. Iginiit ng grupo ang sinabi ni SMC president at chief executive director Ramon Ang noong Marso na “nakikinig sila sa pulso ng bayan” kaya hindi na itutuloy ang PAREX.

Read More »

Ika-50 ng Camillians sa Pilipinas, pinangunahan ni Cardinal Advincula

 9,764 total views

 9,764 total views Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Banal na Misa at Diaconal Ordination para sa Order of the Ministers of the Infirm o Camillians sa Our Lady of La Paz Parish, Makati City Inordinahan ni Cardinal Advincula sa pagkadiyakono sina Rev. Ruel Tesoro Fernandez, MI at Rev. Carl Cerdeño Masip, MI. Sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

50-taong paglilingkod sa Pilipinas, ipagdiriwang ng Camillians

 7,617 total views

 7,617 total views Ilulunsad ng Ministers of the Infirm-Philippine Province o Camillians ang isang taong pagdiriwang para sa ginintuang anibersaryo ng pagdating ng mga paring kamilyano sa Pilipinas. Magsisimula ito sa pamamagitan ng press conference ngayong Sabado, May 25, 2024 sa Our Lady of La Paz Parish sa Makati City ganap na alas-otso ng umaga. Nakapaloob

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok na magtanim ng punongkahoy

 11,281 total views

 11,281 total views Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na higit pang pahalagahan ang mga punongkahoy na naghahatid ng balanse sa kalikasan. Sa liham pastoral,, hinikayat ni CBCP-Office on Stewardship Chairman Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pagtatanim ng mga punongkahoy upang makatulong na maibsan ang labis na tag-init

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Maging “seed of hope” ng kalikasan, hamon ng CBCP sa mga Pilipino

 11,440 total views

 11,440 total views Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapayabong ng pag-asa alang-alang sa nag-iisang tahanan. Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, mahalagang pagyamin ng bawat isa ang pagnanais na pangalagaan ang naghihingalong daigdig laban sa patuloy na epekto ng climate crisis. Ang paanyaya

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Makibahagi sa misyon ni kristo, hamon ng pari sa mananampalataya

 9,942 total views

 9,942 total views Hinamon ng rektor at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Pulilan, Bulacan ang mga mananampalataya na makibahagi sa misyon ni Kristo. Ito ang paanyaya ni Fr. Dario Cabral sa bawat isa kasabay ng pagdiriwang sa kapistahan ng patron ng mga magsasaka na si San Isidro Labrador at

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpapabilis sa proseso ng mining permits, tinututulan ng ATM

 16,037 total views

 16,037 total views Tinututulan ng Alyansa Tigil Mina ang plano ng Department of Environment and Natural Resources na pabilisin ang proseso sa pagbibigay ng mining permits. Ito’y matapos na i-anunsyo ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na gawing tatlong taon mula sa anim na taon ang proseso sa mining permits para sa pagpapatupad ng digitalization sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Katotohanan sa pamamahayag, kinakailangan sa paglaban sa climate change

 16,605 total views

 16,605 total views Pinuri ng Climate Change Commission (CCC) ang kahalagahan ng epektibo at responsableng pamamahayag sa gitna ng kinakaharap na pagsubok sanhi ng pagkasira ng kalikasan at nararanasang krisis sa klima. Ayon kay CCC vice chairperson and executive director Robert E.A. Borje, sinisikap ng mga journalist o mamamahayag na palakasin ang tinig ng mga sektor

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top