Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 528 total reads

Marami sa atin ang halos tumigil ang buhay dahil sa mga restriksyon ng pandemya at dahil sa economic shocks na dinala nito sa maraming mga kabahayan. Kung dati rati, traffic lamang ang pinoproblema ng marami, dahil sa pandemya, pati pamasahe problema na ngayon. Sinaid ng pandemya hindi lamang ang kalusugan ng maraming mga mamamayan, kundi pati ang kanilang mga bulsa.

Ayon nga sa isang pagsusuri ng ADB, binawi ng pandemya ang kaulanran at ekspansyon na nararanasan ng ating bayan noon. Bago kasi magpandemya, tumataas ng 4.6% kada taon mula 2015 hanggang 2019 ang wage and salary employment sa bansa. Nababawasan na sana ang mga walang trabaho o hindi sapat ang trabaho sa bansa. Kaya lamang, sa loob lamang ng isang taon, nawalan agad ang bayan ng 1.7 million wage and salary jobs at tumaas naman ang bilang ng mga kasapi ng impormal na sector.

May mga leksyon na dala ang pangyayaring ito. Isa sa pinakamatingkad ay ang pagbabago ng landscape o itsura ng trabaho ngayon. Dati rati kapanalig, we thrive on physical contact. Mas gusto ng maraming tao na kumain sa mga fastfoods at restaurants sa mall kung saan maraming tao. Ngayon, ang mga trabahong kaugnay dito ang unang nabawasan. At kung ganito ang sistema, dapat nating ituloy ang transisyon sa mga bagong uri ng trabaho, yung mga tipong wala o limitado ang physical contact.

Sa katotohanan,  marami ng mga negosyo ang nag-adjust. Mas malakas na ngayon ang take-out, deliveries, o self-pick up ng mga pagkain. Lahat ng yan makakatulong hindi lamang para makabawi ang mamamayan, kundi pati ang bansa. Pero mas mabilis mangyayari ito kung sasabay tayo sa nangyayaring shift o pagbabago sa trabaho, mapanegosyante ka man o manggagawa.

Ang mga mamumuhunan ay maaring gumamit ng mga bagong business models na maglilinang ng kapangyarihan ng teknolohiya para sa ganansya ng kanilang negosyo. Maliban sa physical stores, maari na rin nilang subukan ang mga virtual stores. Marami na ngayon kahit tindera sa palengke, online na. Pangalawa, dapat ding magsanay ang mga manggagawa sa teknolohiya. Kapag nagbabago ang uri ng mga trabaho at hindi tayo nakakasabay, mas mahirap makakita ng trabaho.  Maaring magsimula sa simpleng pag-gamit ng apps sa iyong cellphone. Huwag laging nakakatutok sa games o Mobile Legends.

Napakahalaga rin ng bahagi ng pamahalaan dito. Siya kasi ang mag-po-provide ng digital architecture at connectivity sa bansa. Kung palyado sila dito, hindi makakapag-ugnayan ang negosyo sa manggagawa at sa customers nito. Ang productivity ng negosyo at mamamayan ay nakasalalay din sa galing ng pamahalaan.

Kung magagawa natin ito, makakabawi din tayo. At higit pa dito, maisusulong pa natin ang panlipunang katarungan. Sabi nga sa Mater et Magistra, ang katarungan ay hindi lamang makikita sa pantay na distribusyon ng yaman, kundi sa kundisyon ng mga mamamayan na siyang nagsusulong ng bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,093 total reads

 79,093 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,260 total reads

 157,260 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,708 total reads

 190,708 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,004 total reads

 226,004 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,373 total reads

 449,373 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 79,096 total reads

 79,096 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,263 total reads

 157,263 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,711 total reads

 190,711 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,007 total reads

 226,007 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top