Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tuloy-tuloy ang reporma sa Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

 305 total views

Hindi tumitigil ang Simbahang Katolika sa pagpapatupad ng reporma.

Ito ang inihayag ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Clergy sa patutsada ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kinakailangan ng Simbahan ng reporma.

Ang pahayag ng Pangulong Duterte ay kasunod ng pagkakabunyag sa mga kaso ng pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan sa iba’t-ibang bansa.

Inihayag ni Bishop Famadico na regular ang pagpapatupad ng Spiritual at Moral Reform ng Simbahan bago pa man lumabas ang mga kontrobersyal na kaso ng pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan.

Iginiit ng Obispo na regular ang reporma na ipinatutupad ng Simbahan upang makasabay sa pagbabago ng panahon at maiangkop ang mga turo at paggabay ng Simbahan sa mga pinagdadaanan ng mga mananamapalataya sa kasalukuyang panahon.

“Yung reform ng Simbahan ay hindi naman kinakailangan magkaroon ng mga ganitong abuses, ang Simbahan ay laging dapat may reform yan ay Spiritually, Morally ang Simbahan ay hindi tumitigil sa pagkakaroon ng reform, actually yung reform hindi naman kinakailangan na magkaroon ng abuse halimbawa ang isang Simbahan ay maganda ang takbo pero kahit ang takbo ng mga history ay may mga bagay na nagbabago kaya kinakailangan mag-adjust din yung Simbahan kaya yung growth of the church is always there, is always required…” paglilinaw ni Bishop Famadico sa panayam sa Radyo Veritas.

Sinabi ng Obispo na patuloy at regular ang repormang isinasagawa ng Simbahan upang mapaunlad ang paraan ng pagbabahagi ng Ebanghelyo at hindi lamang upang maisaayos ang institusyon dahil sa iba’t ibang mga kontrobersiya kinahaharap nito.

Tiniyak naman ni Bishop Famadico na hindi isinasantabi at pinababayaan ng mga Obispo ng bawat diyosesis ang mga reklamo laban sa mga lingkod ng Simbahan na dumadaan sa tamang proseso ng pag-iimbestiga at pagpaparusa kapag napatunayang may nagawang kasalanan.

Kaugnay nito, unang nagpatawag ng February Summit on Sexual Abuse sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Francisco upang matalakay ang mga kontrobersyal na usaping kinahaharap sa kasalukuyan ng Simbahan.

Nakatakda ang pagtitipon sa ika-21 hanggang ika-24 ng Pebrero kung saan ipinatawag ni Pope Francis ang lahat ng mga Pangulo ng Episcopal Conferences sa buong mundo para sumailalim sa penitential liturgy, talakayan at pagninilay upang ganap na makapagbuo ng mga panibagong pamamaraan at reporma.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,688 total views

 28,688 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,788 total views

 36,788 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,755 total views

 54,755 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,788 total views

 83,788 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,365 total views

 104,365 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 1,390 total views

 1,390 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 2,209 total views

 2,209 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 12,162 total views

 12,162 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top