12,672 total views
Hinimok ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang mananampalataya na tulungan ang kapwa upang mapabuti ang kalagayan.
Inihayag ng Santo Papa na makakamit ang kaliwanagan sa isip sa pamamagitan ng pagninilay sa sarili at pananampalataya.
“Discernment is part of life, whether at momentous times involving major decisions or in our daily decisions about small, routine matters, Discernment is demanding and requires listening to the Lord, to oneself, and to others. It is a process that calls for ‘prayer, reflection, patient expectation, and, ultimately, courage and sacrifice,” ayon sa mensahe ng Santo Papa.
Umaasa ang Santo Papa na magsilbing inspirasyon si venerable Maria Antonia Lalia at Saint Madeleine Sophie Barat, founder ng charities upang makita ang pangangailangan ng kapwa.
“Jesus speaks to us through our brothers and sisters in need; in every gift we give to them, there is a reflection of God’s love, to seek to fan into flame the spirit of gratuitousness and selfless love that marked the beginnings of your presence in the Church,” ayon pa sa mensahe ni Pope Francis.
Ito ang mensahe ng Santo Papa sa mga kinatawan ng Society of Divine Vocations (Vocationist Fathers, Sisters of the Presentation of Mary Most Holy, Sisters of the Society of the Sacred Heart of Jesus at Dominican Missionary Sisters of Saint Sixtus.
Sa datos ng United Nations noong 2023 umaabot sa 700-million ang bilang ng mga indibidwal ang dumaranas ng kahirapan dahil sa hindi sapat na kinikita kada araw.