Turismo sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,787 total reads

Kapanalig, ang turismo ay isa sa mga malaking bentahe o advantage ng ating bansa. Dahil dito nakikilala tayo. Dahil dito, marami ang nagkakatrabaho. Kaya lamang, kahit malaki ang ambag ng sektor nito sa ating bayan, tila limitado pa rin ang pagkilala ng maraming Filipino dito.

Alam mo ba kapanalig, bago mag pandemic, umaabot ng PhpP2.5 trillion o 12% percent ng GDP ng bansa ang ambag ng turismo sa ating bansa?  Nanghina lamang ito dahil sa epekto ng pandemic, pero ngayon, bumabawi na ang sektor.  Maaari pa itong lumago kapanalig, kung atin pang mas maalagaan ito.

Ang turismo kapanalig ay hindi lamang tungkol sa mga tourist spots ng bayan. Ito rin tungkol sa pangangalaga ng ating kalikasan. Alam niyo kapanalig, proud na proud tayo sa ganda ng ating mga tourist spots, ngunit maaaring mawala ang ganda ng mga ito kung mapupuno sila ng basura, makakalbo ang mga kagubatan at halaman, dudumi ang mga karagatan. Kung iresponsable ang ating pangangalaga sa mga tourist spots na ito, hindi sila magiging sustainable.

Kasama din sa turismo, kapanalig, ang ibang aspeto ng ating lipunan, gaya ng kalidad ng ating service sector pati na ng transport sector. Alam niyo, ang unang bumubungad sa ating mga turista, lalo na kung mula sa ibang bansa ay ang ating mga airports. Kung magulo, marumi, at pangit ang serbisyo sa ating mga international ports, ganun din ang magiging first impression sa ating mga bisita. Kapag labas pa nila ng airport, hirap sila makukuha ng sasakyan tungo sa kanilang destinasyon, tapos i-o-overcharge pa sila ng kanilang nasakyan, marahil, mas nais pa nilang bumalik sa kanilang pinanggalingan.

Kasama din sa turismo, kapanalig, ang ating kultura, na makikita sa ating mga diyalekto, pananamit, awit, gawi at ugali, pati na sa ating pagkain. Hindi natin ito napapansin kadalasan, at minsan, nais pa nating mas gayahin ang kultura ng kanluran, pati na nga ang k-pop. Nakakalimutan natin na dapat din tayong maging proud sa ating kultura bilang Filipino, dahil ito ang ating pagkakakilanlan at isa mga rason kung bakit tayo laging binabalik-balikan. Kung hindi natin ito bibigyang halaga at ipagmamalaki, maraming magagandang aspeto ng ating kultura ang mawawala at hindi  na natin masasalin sa susunod na henerasyon.

Ang pagbibigay halaga sa turismo ay nag-pupukaw din sa ilang mga values natin bilang Katolikong Kristiyano. Sakop nito ang stewardship of God’s creation, pati na ang obligasyon natin na magmahal at magpalaganap ng katarungan, kasama na ang kabutihan ng balana. Ang mga values na ito ay hindi rhetoric o sali-salita lamang – sila ay ukol sa pagkilos at aksyon -kailangan nating gawin at piliing gawin sa araw-araw. At payo ng Gaudium et Spes, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan:  The best way to fulfill one’s obligations of justice and love is to contribute to the common good according to one’s means and the needs of others.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 192,728 total reads

 192,728 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 263,089 total reads

 263,089 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 296,538 total reads

 296,538 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 331,838 total reads

 331,838 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 550,589 total reads

 550,589 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 192,729 total reads

 192,729 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 263,090 total reads

 263,090 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 296,539 total reads

 296,539 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 331,839 total reads

 331,839 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top