VeritasPH

The Word, The Truth

Umiiral pa rin ang katarungan sa Pilipinas-AMRSP

SHARE THE TRUTH

 344 total views

Ito ayon kay Fr. Angel Cortez-executive secretary ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) ang indikasyon ng hatol na habangbuhay na pagkabilanggo sa mga pangunahing suspect sa itinuturing na Worst Election Crime in Philippine History noong November 23, 2009.

Ayon kay Fr. Cortez, sa dami ng hindi magagandang balita at pangyayari sa bansa ay isang magandang regalo para sa sambayanang Filipino lalo na para sa mga simpleng mamamayan ang pag-asang hatid ng katarungan para sa mga nasawing biktima at kanilang pamilya.

“Ito ay isang palatandaan na may pag-asa pa ang sistema ng hustisya dito sa ating bansa lalong lalo na para doon sa mga maliliit na tao na walang kakayanin kundi patuloy nilang ipaglaban yung kanilang mga karanasan lalong lalo na yung mawalan ng pag-asa sa buhay,” ang bahagi ng paghayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radyo Veritas.

Nagpasasalamat din ang pari kay Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis-Reyes branch 221 na naging instrumento ng Panginoon upang makamit ng pamilya ng 58-biktima ng Maguinadanao massacre ang katarungan makalipas ng 10-taon.

Hinimok rin ni Fr. Cortez ang bawat isa na ipanalangin na patuloy na pangalagaan at gabayan ng Panginoon ang hukom upang mas marami pa itong matulungan at mabigyang ng katarungan lalu na mula sa maliliit na sektor ng lipunan.
“Nawa ay protektahan siya at gabayan ng Panginoon at ng Banal na Espiritu ng sa ganun ay mas marami pa siyang mga taong matulungan hindi lamang itong mga biktima ng Maguindanao massacre…” Dagdag pa ni Fr. Angel Cortez.

Ayon sa Pari, isang mensahe rin ang naging paghatol sa mga pamilyang naulila ng nagaganap na extrajudicial killings sa bansa na mayroong pag-asa na makamit ng kanilang mga mahal sa buhay ang katarungan sa kanilang pagkamatay lalo na sa ilalim ng marahas na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Paliwanag ni Fr. Cortez, tulad ng mensahe ng adbyento na paghahanda sa pagdating ni Hesus sa sanlibutan ay hindi rin dapat na mawalan ng pag-asa ang bawat isa sa pagdating ng katarungan.

“Napakaganda na ngayon ay nasa panahon tayo ng adbyento at papasok ang kapaskuhan huwag silang mawawalan ng pag-asa, yan naman ang mensahe ng adbyento yung pag-aantay sa tamang panahon at habang nag-aantay kasama na din dun yung pagpapanibago ng kanilang puso na kahit na masakit ay natuturuan pa rin silang makapagpatawad…” Dagdag pa ni Fr. Angel Cortez.

Sampung taong hinintay ng mga kaanak ng 58 biktima ang katarungan sa malagim na trahedya sa Maguindanao na kinabibilangan ng 32 mamamahayag.

Sa sala ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Branch 221 ay hinatulan ng guilty sa 57 counts ng kasong pagpatay ang mga principal accused sa kaso kabilang na sina Datu Unsay Andal Ampatuan Jr., Datu Zaldy Ampatuan, Datu Anwar Ampatuan at iba pang akusado kung saan pinatawan ng parusang reclusión perpetua, o pagkakakulong ng mula 20 hanggang 40 taon, na walang piyansa ang mga ito.

Sa kabuuan, 28 ang convicted principal accused na nahatulan ng reclusión perpetua without parole; 15 naman ang convicted as accessories to the crime na nahatulan ng 6 hanggang 10 taong pagkakakulong; habang nasa 56 na akusado naman na karamihan ay mga pulis kasama na si Sajid Islam Ampatuan ang acquitted sa kaso dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya na magtuturo sa kanilang pagkakasangkot.

Naisantabi naman ng hukuman ang kaso ng may pitong akusado na una ng yumao kabilang na ang itinuturong utak sa nasabing masaker na ama ng mga Ampatuan na si Datu Andal Ampatuan Sr. na namatay noong 2015 habang nasa piitan dahil sa liver cancer.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 959 total views

 959 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 8,495 total views

 8,495 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 24,481 total views

 24,481 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 32,526 total views

 32,526 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 37,606 total views

 37,606 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 3,490 total views

 3,490 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 3,669 total views

 3,669 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 7,725 total views

 7,725 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 8,575 total views

 8,575 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 8,929 total views

 8,929 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 23,151 total views

 23,151 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 16,320 total views

 16,320 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 15,488 total views

 15,488 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

 19,970 total views

 19,970 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan at simbahan, panawagan ng military bishop sa mamamayan

 19,846 total views

 19,846 total views Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan at Simbahan upang maging mabuting lingkod at tagapaggabay sa bawat isa. Ito ang bahagi ng mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng ika-126 na

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, hinamon ang mga Pilipino na manindigan sa pananakop ng dayuhang bansa

 21,327 total views

 21,327 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagiging katiwala ng bawat Pilipino sa kalayaang biyaya ng Panginoon sa bansa. Ito ang paalala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Office on Stewardship sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa ika-12

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SLP, palalawakin ang kaalaman ng mamamayan laban sa divorce

 21,445 total views

 21,445 total views Naninindigan ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on the Laity laban sa panukalang pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Ipinahayag ni Francisco Xavier Padilla, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang paninindigan sa kasagraduhan ng kasal na maisasantabi sa isinusulong na absolute divorce sa bansa. Pagbabahagi

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Maling pamamahayag ng isang TV station, pinuna ng CBCP President

 19,914 total views

 19,914 total views Pinuna ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang maling pamamahayag ng isang media outlet kaugnay sa naganap na tension sa pagsasagawa sana ng transition sa pamunuan ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo, Maynila noong ika-4 ng Hunyo, 2024. Sa personal na Facebook

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Tagbilaran Cathedral, kinilala ng NHCP

 18,900 total views

 18,900 total views Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang Diocesan Shrine and Cathedral-Parish of Saint Joseph the Worker sa Tagbilaran, Bohol o mas kilala bilang Tagbilaran Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Pinangunahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa harapang bahagi

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Say no to divorce, panawagan ng Obispo sa mamamayan

 18,370 total views

 18,370 total views Manindigan sa kasagraduhan ng kasal at pamilya sa kabila ng mga taliwas na opinyon ng iba o ng mas nakararami. Ito ang panawagan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy kaugnay sa usapin ng pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Ayon sa Obispo, ang moralidad at paninindigan sa isang usaping panlipunan ay hindi dapat na ibatay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top