Uphold the Spirit of EDSA People Power

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Inaanyayahan ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang mga Pilipino na makibahagi sa patuloy na paninindigan sa diwa ng EDSA People Power Revolution.
Ito ang paanyaya ng CMSP sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero, 2025 upang muling paalabin ang diwa ng bloodless revolution.

Ayon sa samahan ng mga relihiyoso sa bansa, mahalaga ang paninindigan ng taumbayan lalo na sa gitna ng patuloy na katiwalian sa lipunan at mga tangkang baguhin ang kasaysayan ng bansa.
Sinabi ng CMSP na ang People Power ay hindi lamang isang bahagi ng kasaysayan ng bansa sa halip isang panghabambuhay na hamon at pangako ng paninindigan para sa katotohanan, katarungan at kabutihan ng buong bayan.

“Upholding the Spirit of People Power! In the face of historical distortion and ongoing corruption, we cannot stay silent. People Power is more than a moment in history—it is a lifelong commitment to truth, justice, and accountability.” Bahagi ng paanyaya ng CMSP.

Bahagi ng paanyaya ng CMSP ang pag-alala sa mga sakripisyo at determinasyon ng mga nakibahagi sa naganap na 1986 EDSA People Power Revolution 39 na taon na ang nakakalipas.

Iginiit ng CMSP na nagpapatuloy pa rin ang paglaban at paninindgan upang matiyak ang patuloy na pag-iral ng demokrasya ng bansa.

“We call on all freedom-loving Filipinos to stand with us. Let us safeguard the legacy of EDSA and ensure that the sacrifices of the past are never forgotten. The struggle for democracy didn’t end in 1986—it continues today. Join us on February 25, 2025. Together, let us show the world that we remain vigilant, that we remember, and that we choose to uphold truth and justice.” Ayon sa CMSP.

Katuwang ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang Clergy for Good Governance sa pagsasagawa ng nakatakdang ‘Lakbay Dasal, Diwa ng EDSA Ipagdiwang’ na nakatakda sa ika-25 ng Pebrero, 2025.

Magsisimula ang gawain ganap na alas-dos ng hapon sa pamamagitan ng pagmamartya mula sa Shrine of Mary, Queen Of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine hanggang sa People Power

Monument kung saan nakatakdang magkaroon ng programa ganap na alas-tres ng hapon bago muling magmartya pabalik ng EDSA Shrine para sa misang pangungunahan ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top