Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Vaccine rollout sa mga kabataan, sisimulan na ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 214 total views

Sisimulan na ng Department of Health ang pamamahagi ng COVID-19 vaccine para sa mga kabataan sa buong bansa ngayong Nobyembre 3.

Ito’y bahagi ng pinalawig na vaccination program ng pamahalaan para sa patuloy na kaligtasan ng bansa laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bakuna mula sa Pfizer at Moderna pa rin ang ipapamahagi sa mga kabataan mula 12 hanggang 17 taong gulang.

Sang-ayon pa rin ito sa pahintulot ng Philippine Food and Drug Administration para sa emergency use authorization ng nasabing brands ng COVID-19 vaccine.

“Pfizer and Moderna vaccines will still be used among children during the nationwide rollout. Further details and the guidelines with regard to the nationwide expansion of pediatric vaccination will be released once finalized,” ayon kay Vergeire.

Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority, nasa 12.7 milyon ang kabuuang populasyon ng mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Sa tala naman nitong Oktubre 26, aabot na sa humigit kumulang 19,000 menor de edad na mayroong comorbidities ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa unang bahagi ng pediatric vaccination sa mga piling ospital sa Metro Manila.

Samantala, patuloy pa ring hinihikayat ng simbahan at pamahalaan ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 upang tuluyan nang malunasan ang umiiral na krisis sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 25,729 total views

 25,729 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,817 total views

 41,817 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 79,482 total views

 79,482 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 90,433 total views

 90,433 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 32,187 total views

 32,187 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top