CBCP Permanent Committee on Public Affairs, nakikiisa sa 34th Pridon Awareness week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs sa paggunita ng 34th Prison Awareness Week ngayong taon mula ika-25 hanggang ika-31 ng Oktubre, 2021.

Ayon kay Diocese of Imus Bishop Reynaldo Evangelista chairman ng komite, patuloy ang pagmamalasakit ng buong Simbahan sa Pilipinas para sa kapakanan ng mga bilanggo hindi lamang sa pamamagitan ng pananalangin kundi maging sa pagkakaloob ng anumang tulong o suporta ngayong pandemya.

Partikular na tinukoy ng Obispo ang mga prison chaplains at voluntees na nagsisilbing personal na tagapaghatid ng Simbahan ng tulong at pagmamalasakit para sa mga bilanggo.

Paliwanag ni Bishop Evangelista, bagamat ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa mga bilangguan dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 ay hindi naman nakalilimot ang Simbahan sa kapakanan ng mga bilanggo.

“Kayo [Persons Deprived of Liberty] ay pinagmamalasakitan namin sa pamamagitan ng mga chaplains, ng mga volunteers na bumibisita sa inyo pero syempre dahil sa panahon ngayon ng pandemya pinagbawalan ang pagbisita sa inyo. Gayunpaman, hindi kami nakakalimot para kayo ay ipagdasal, para kayo ay aming padalhan ng tulong kung ano man ang aming makakaya.” Ang bahagi ng mensahe ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista para sa 34th Prison Awareness Week.

Pagbabahagi ng Obispo, ang paggunita ng 34th Prison Awareness Week ngayong taon ay higit na makabuluhan lalo na’t ipinagdiriwang rin ang ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyanismo sa Pilipinas na mayroong temang ‘Gifted to Give’.

Ayon kay Bishop Evangelista, ang magkaalinsabay na paggunita ng 34th Prison Awareness Week at 500 years of Christianity in the Philippines ay isang paanyaya para sa bawat isa upang ibahagi ang biyayang ipinagkaloob ng Panginoon sa kapwa partikular na sa mga nangangailanga tulad ng mga bilanggo.

Kabilang sa mga tiniyak ng Obispo ay ang patuloy na pagkakaloob ng Simbahan ng pagmamahal, suporta at pag-asa sa mga bilanggo bukod pa sa mga materyal na pangangailangan ng mga ito.

“Ngayon tayo ay nasa ika-500 taon ng ating pagiging Kristiyanong bansa, tinanggap natin ang pananampalatayang Kristiyano 500-taon na ang nakakaraan tayo ay pinagkalooban ng biyaya ng pananampalataya at ang tema ng pagdiriwang ay ‘Gifted to Give’ pinagkalooban para magkaloob din. Kayo [Persons Deprived of Liberty] ay patuloy naming na pagkakalooban ng pagmamahal, bibigyan naming kayo ng suporta, pag-asa at iba pa ninyong pangangailangan sa aming makakaya, alam ninyo ito sa iba’t ibang paraan ako bilang inyong Obispo ay naghihikayat ng mga pari, madre, volunteers para kayo ay madalhan ng mga tulong.” Dagdag pa ni Bishop Evangelista.

Tema ng 34th Prison Awareness Week ngayong taon ang “The Jail / Prison Chaplains and Volunteers: Gifted To Give Love that Restores Life, Hope and Healing to the Prison Community” na layuning bigyang pagkilala ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga naglilingkod sa mga bilangguan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 3,712 total reads

 3,712 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,571 total reads

 5,571 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 14,459 total reads

 14,459 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 51,837 total reads

 51,837 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 83,108 total reads

 83,108 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 159,713 total reads

 159,713 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 253,254 total reads

 253,254 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,210 total reads

 24,210 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top