Wala ng fashion show sa SONA, ikinatuwa ng arsobispo

SHARE THE TRUTH

 219 total views

Ikinatuwa ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang ulat na magiging simple ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo -25.

Ayon sa arsobispo, natanggap niya ang balita na wala na ang nakagisnang ‘fashion show’ at ‘red carpet’ sa mga opisyal na dadalo sa pagtitipon.

Pahayag ni Archbishop Cruz, dating Pangulo ng CBCP o Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagiging simple ng administrasyon ay isang halimbawa o modelo para sa mahihirap.

“Wala na raw fashion show wala ng red carpet which is very good, I think that is correct kasi yung mga nagdaang administrasyon naku po nanay ko kapag dumating naka may suot diyamante, nakakahiya sa mga maralita makitang ganung karangya pala ang mga pulitiko. Sa pagkakataong ito business attire lamang ang ipinapayo sa kanila, maganda yan,” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng programang Veritas Pilipinas sa Radyo Veritas.

Una nang hinimok ng arsobispo ang mga nagdaang administrasyon lalo na ang Aquino administration na magpakita ng simpatiya sa mga mahihirap na Pilipino sa kanyang SONA.

Sinabi ni Cruz na manhid o walang pakiramdam sa kondisyon ng mga tao ang mga mambabatas na tila nagpa-fashion show tuwing SONA.

Ayon pa kay Cruz, makikita ang kaibahan nang nagaganap sa loob at labas ng Batasan kung saan makikita ang gunit-gunit at maduduming damit na ang sariling SONA ay katotohanan kaya’t dapat pakinggan.

Tinatayang nasa 250 ang mga mambabatas sa bansa na dadalo sa unang SONA ni President Duterte kasama ang kani-kanilang mga kabiyak at kapamilya, mga miyembro ng gabinete ng administrasyon, mga diplomat at iba’t—ibang sektor.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 81,706 total views

 81,706 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 92,710 total views

 92,710 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 100,515 total views

 100,515 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 113,707 total views

 113,707 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 125,098 total views

 125,098 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 94,513 total views

 94,513 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 90,424 total views

 90,424 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top